Hindi pinagsisihan ni Meghan ang kanyang desisyon na magpakasal kay Nicholas. Sa bawat araw na kapwa nila hinintay ang kanilang pagbubuklod ay tanging kasiyahan lamang ang kanilang nadarama.
Nasasabik na siyang gumawa ng sarili niyang pamilya kasama ang lalaki. Ilang taon na rin niyang hinangad na sa wakas ay mapasakanya ang lalaki. “Bukas ay magiging akin ka na talaga,” sabi ni Meghan habang humalik sa noo ng lalaki.
“Sayo naman talaga ako noon pa,” sumagot si Nick.
“Tumigil na nga kayong dalawa at kanina pa ako naumay sa paglalandi ninyo,” nagreklamo si Merlie.
“Hayaan mo na kami, Manang. Aalis na rin naman ako pagkatapos ng tanghalian,” sumagot si Nick.
Planado na ang lahat para sa kanilang pag-iisang dibdib at bilang si Merlie ang nakakatanda sa kanilang lahat at itinuring na rin nila itong kapamilya, sinunod nilang dalawa ang mga kagustuhan nito.
Isang tradisyunal na kasalan sa probinsya ang magaganap at mamaya ng konti ay hindi na siya pwedeng manatili sa bahay. Kailangan niyang bumukod ng isang gabi at sa simbahan na sila magkikitang muli ni Meghan.
Isang pamahiin na ipinatupad ni Merlie ngunit wala naman silang problema doon maliban na lang sa mamimiss niya ang babae. Nasanay na kasi siya na lagi silang magkasama kaya weird sa kanyang pakiramdam na maghiwalay sila mamaya.
“Ilang oras lang naman,” sabi ni Merlie. “Mabuti pa ay kumain na tayo upang makaalis na si Nick,”suhestiyon ni Merlie.
Habang nakikinig sa usapan ng dalawa ay kanina pa niya pinigilan ang sariling matawa. Parang ayaw kasi ni Nick na umalis. Nagmamaktol ito na parang batang inagawan ng laruan.
Normal na sa kanilang lugar na mayroon ng handaan isang araw bago ang kasal kaya marami silang nakasabay habang kumain ng tanghalian. Narinig ni Meghan na tinukso si Nick ng ilang kapitbahay at kaibigan.
Speaking of kaibigan, hinanap ng kanyang mga mata si Emma at Alexander, at nang mahagilap ito ay ngumiti siya sa kanyang kaibigan. “Bakit hindi pa dumating ang ibang mga kaibigan mo?” Tinanong ni Meghan si Nick kasi kanina pa dapat magsidatingan ang mga kaibigan ni Nick.
“Parating na ang mga ‘yon, ‘wag kang mag-alala,” sabi ni Nick.
“Excited lang akong makitang muli ang mga anak nina Samuel at Jessica,” sagot ni Meghan.
“Nagpaparinig ka yata sa akin na gusto mo ng makabuo tayo ng anak,” pabirong sabi ni Nick.
“Why not di ba? Siguro kung hindi ako nakunan dati ay malaki na ang anak natin,” malungkot ang boses ni Meghan nang maalala ang nangyari sa kanyang ipinagbubuntis.
******
“Ano ba ang nangyari sa inyong dalawa?” Sumigaw si Nick. “Meg, umakyat ka na sa silid mo at matulog, wala ka ng ibang ginawa kundi ang bigyan ako ng sakit sa ulo! Maawa ka naman sa akin,” pakiusap ni Nick sa babae na panay pa rin ang pagtiimbagang kay Margaret.
“Kaya ko nga ito ginagawa dahil naawa ako sayo! Matalino kang tao ngunit nagpa-uto ka kay Margaret. Bakit hindi mo tanungin si Margaret kung sino si Keith sa kanyang buhay?” Hinamon ni Meghan ang lalaki bago siya nagmartsa palayo mula sa kusina.
Nawalan ng kulay ang pagmumukha ni Margaret at nagtago ito sa likod ni Keith. “Margaret, may sasabihin ka ba sa akin? Bakit nag-away na naman kayo ni Meghan? Ano ang dahilan?” Magkasunod na tanong ang ibinato niya sa babae ngunit nanatiling tikom ang bibig nito. Kung anuman ang gustong ipahiwatig ni Meghan ay gusto niya itong marinig mula mismo sa bibig ni Margaret.
Nanginginig ang kamay ni Margaret habang nakahawak sa kanyang braso kaya minabuti ni Keith na paupuin muna ang babae, bago niya hinarap si Nick. “Pare, naguguluhan lang si Margaret kaya niya nagawa ang bagay na ‘yon.” Sabi ni Keith.
Naningkit ang mga mata ni Nick habang pinakinggan niya si Keith dahil una sa lahat, sino ba ito para kausapin siya? “Na ano?”
Nilingon ni Keith ang babae at sumenyas ito na manahimik siya. “Ako ang ama ng batang nasa tiyan ni Margaret,” pag-amin ni Keith. Noong madiskubre niya na ginamit lang siya ni Meghan, nagalit siya, ngunit tama si Meghan. Hindi pwedeng ipaangkin ni Margaret ang kanyang anak kay Nick.
Natigilan si Nick sa kanyang narinig dahil hindi niya inasahan na may basihan si Meghan sa mga inakusa nito kay Margaret. Oo nga at nagduda siya noong una, pero naisip niya na hindi siya kayang lokohin ni Margaret. Ilang taon silang may relasyon at ni minsan ay hindi niya nakitaan ang babae ng masamang asal. “Ulitin mo nga ang sinabi mo!” Tumaas ang kanyang boses ngunit kay Margaret siya nakatingin. Umiyak lang ito at hindi nagsalita.
Pagkuwa’y tumikhim si Margaret at tumayo upang harapin si Nick. Pinahid niya ang mga luha sa kanyang mata at biglang lumuhod sa harap ni Nick. “I’m sorry,” humingi siya ng tawad sa kasalanang nagawa, ngunit hindi niya kayang patawarin si Meghan.
“Kung ganun ay niloko mo lang talaga ako, bakit? Paano mo nagawa sa akin ang bagay na ito?” Aminado si Nick na wala siyang balak pakasalan si Margaret ngunit may nakalaan ng puwang sa kanyang puso para sa batang isisilang nito. Sa katunayan ay may napili na silang pangalan para sa bata. Nagtagis ang kanyang mga bagang at puno ng poot ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Margaret. “Tumayo ka na,” mariin niyang wika kay Margaret, at hinayaan niyang tulungan ito ni Keith sa pagtayo. “Hmmm Margaret,” muli niyang tinawag ang pangalan ng babae bago siya umalis sa kusina.
Kinabahan si Margaret nang marinig niya ang boses ni Nick ngunit pakiramdam niya ay kaya siyang patawarin ng lalaki. “Yes Nick?”
“Magpatulong ka kay Keith sa pag-empake ng mga gamit mo,” sabi ni Nick at iniwan ang dalawa.
“Nick!” tinawag ni Margaret ang pangalan ng lalaki ngunit hindi ito lumingon at patuloy na naglakad palayo sa kanya. “Kasalanan mo ‘to! Bakit ba kasi nakipagkaibigan sa lukaret na si Meghan?” Si Keith ang sinisi ni Margaret sa lahat. Hindi ba at sinabi na niya sa lalaki na tapos na sila? Ano’ng ginawa nito at biglang sumulpot sa pamamahay ni Nick? Pahamak talaga sa mga plano niya! Inirapan niya si Keith.
“Hindi kita maintindihan, Marj. Hindi ka naman dating ganyan,” sabi ni Keith sa mababang boses.
“People change, Keith. At kung hindi mo sinira ang plano ko,magiging marangya ang buhay namin ng anak ko,” sabi ni Margaret.
“Anak natin ngunit ibang lalaki ang gusto mong umako sa responsibilidad. Are you crazy? Magiging masaya ka ba sa gagawin mo?” Kinunsensya ni Keith ang babae na nagmatigas na makinig sa mga payo niya.
“Wala akong pakialam, ang importante ay hindi mahihirapan ang anak ko!”
“Naririnig mo ba ang sarili mo, Margaret? Halika na at tulungan na kita sa mga gamit mo,” hinawakan ni Keith ang kamay ng babae upang makasigurado siya na susunod ito sa kanya.
“Ayokong umalis,” nagmatigas si Margaret at pilit na iwinaksi ang kamay ni Keith na nakahawak sa kanya.
“Hindi mo ba nakita ang mukha ng lalaking ‘yon kanina? He wanted to kill you!” Sumigaw si Keith.
“No, hindi niya ako kayang saktan.” Sabi ni Margaret.
“Nahihibang ka na nga,” wika ni Keith, ngunit muli niyang kinuha ang kamay ng babae at sabay na silang umakyat sa itaas pagkatapos niyang tanungin ang isa sa mga katulong kung nasaan ang silid ni Margaret.
“Paano na ako ngayon?” Gumaralgal ang boses ni Margaret habang pinabayaan lang si Keith na mag-empake ng kanyang mga gamit.
“Hindi naman kita pababayaan, eh.” Sabi ni Keith.
Mas lalong umiyak si Margaret dahil sa sinabi ni Keith, hindi dahil sa nakunsensya siya, kundi sa kaalaman na magiging mahirap siya habangbuhay. Hindi alam ng lalaki ang mga ginawa niya dati upang makabingwit ng mayaman at itinuring niyang biyaya ang pagdating ni Nick sa kanyang buhay. “Kung hindi mo sana ako binuntis,” muli niyang sinisi ang lalaki bago lumabas at nagtungo sa silid ni Meghan. Ngunit, bago pa siya nakarating sa silid ni Meghan, nakita niyang lumabas ang babae at parang balewala lang kay Meghan ang nangyari. “Meghan!”
Sandaling nilingon ni Meghan si Margaret ngunit wala siyang balak na makipagmabutihan sa babae. Hangga’t hindi maghilom ang sugat sa kanyang leeg matapos siyang kalmutin nito, hinding-hindi niya ito mapapatawad. Inignora niya ang babae at patuloy na naglakad patungo sa hagdanan kasi pupunta siyang garden upang magpahangin. Napangiti siya nang makita si Nick sa ibaba kahit na wala sa mood ang lalaki. Ang mahalaga, hindi na ito maloloko pa ni Margaret.
“Hindi mo ba ako narinig?” Biglang hinarangan ni Margaret ang pababa na babae.
“Umalis ka sa dadaanan ko,” binalaan ni Meghan si Margaret na parang baliw na humarang sa kanya.
Tiimbagang na hinamon ni Margaret si Meghan at hindi siya nagpadala sa takot. “Or what? Sasakalin mo ulit ako? Sino ka ba para sirain ang mga plano ko?” Galit na tinanong ni Margaret si Meghan.
“Sana iba na lang ang niloko mo at hindi si Nick. Alam kong selfish ka na simula pa noong mga bata tayo, pero ano’ng nangyari at mas lumala ka, Margaret?
Biglang nagdilim ang paningin ni Margaret sa galit at walang pakialam na itinulak niya si Meghan. Natauhan lang siya nang makita niyang bumagsak ang katawan ni Meghan at nagpaikot-ikot ito pababa hanggang sa tuluyan itong bumagsak sa sahig. Nanginginig ang kanyang mga kamay at napahawak siya sa handrail nang marinig ang boses ni Nick habang tumulong kay Meghan at nang tumingala ito sa second floor, nakita siya ng lalaki.
Nakita niya sa mukha ni Nick ang poo’t at galit para sa kanya ngunit hindi nito iniwan si Meghan at inutusan ang isa sa mga katulong na tumawag ng ambulansya. Napaatras siya, at kung hindi siya naagapan ni Keith, malamang na susunod siya kay Meghan sa baba. “Keith…,” nanginig at nanlamig ang kanyang buong katawan habang nakatingin sa lalaki. Alam niyang nasaksihan ni Keith ang kanyang ginawa at natakot siya dahil isa itong pulis.
“Sana’y hindi mo ginawa ‘yon, Marj.” Sabi ni Keith bago niya iniwan ang babaeng lubos na minahal ngunit hindi niya pala lubusang kilala.
Nang makalabas si Meghan mula sa ospital, ipinaubaya muna niya sa kanyang second in command ang pamamahala sa rancho dahil gusto niyang personal na alagaan ang babae. Ngunit hindi ito nangyari dahil hindi siya kinibo ni Meghan. Nagkasya na lang siya sa pagluluto ng mga paborito nitong pagkain at matiyagang naghintay kung kailan handa ang babae na kausapin at pansinin siya.
Lahat ay ginawa ni Nick upang patawarin siya ni Meghan. Binigyan niya ito ng bulaklak kada umaga, ipinagluto ng mga paborito nitong pagkain, at kung anu-ano pa. Desperado na si Nick dahil mag-isang linggo na simula ng lumabas ito mula sa ospital ngunit inignora pa rin siya ni Meghan. Tuwing magpang-abot sila sa garden or di kaya sa kusina ay laging blangko ang espreksyon nito sa mukha at ayaw siyang pansinin.
Minsan, naisip niyang kontakin ang idolo nitong si Michael Ragusta at baka sakaling kibuin na siya nito. Unfortunately, Michael was out of the country and he wouldn’t be back for a month. Naguguluhan na si Nick dahil wala na siyang ibang maisip kung ano ang pwede niyang gawin upang suyuin si Meghan. Na-stress na siya masyado dahil sa nangyari.
“Nick! Hoy, Nick!”
Nagulat si Nick nang marinig ang boses ni Merlie na mukhang may good news. Ngumiti siya at kaagad na nilapitan ang matanda. “Ano’ng sabi niya? Kakausapin na ba niya ako?” Tinanong ni Nick si Merlie.
“Yes, at sabi niya ay ora mismo, kaya puntahan mo na kaagad at baka magbago pa ang isip ng babaeng ‘yon.” Sabi ni Merlie. Sa totoo lang ay naipit siya sa dalawa, at sa tingin niya ay mahihirapan si Nick kay Meghan dahil malaki ang ipinagbago ng babae simula ng makunan ito.
“Salamat Manang Merlie, pero saan ko siya pupuntahan? Sa silid niya o sa garden?” Nanigurado si Nick dahil ayaw niyang magsayang ng oras.
“Sa garden,” sumagot si Merlie.
Tumango si Nick at saka nagpaalam sa matanda. Habang tinahak niya ang daan patungo sa kanilang garden, nagsimula siyang kabahan. Hindi siya nagpadala sa silakbo ng kanyang damdamin at pinilit ang sarili na kumalma.
Sandali siyang tumigil sa paglalakad at tahimik na pinagmasdan ang babaeng naupo sa gitna ng harden. Naka-ponytail ang mahaba nitong buhok at mula sa kanyang kinatayuan ay napansin niyang may suot itong headseat. Habang pinagmasdan si Meghan mula sa malayo, hiniling ni Nick na sana ay siya na lang ang headset.
Muli siyang naglakad at nang marating niya ang bench kung saan nakaupo si Meghan, tumabi siya rito. “I miss you,” sabi niya pero kumunot lang ang noo ng babae bago nito tinanggal ang headset na nasa taynga nito.
“Ano’ng sabi mo?” tinanong ni Meghan si Nick kasi hindi niya ito narinig kanina.
“Ang sabi ko, ang ganda mo ngayon.” Wika ni Nick.
“Salamat, pero matagal ko ng alam na maganda ako.” Pahayag ni Meghan.
“Galit ka pa rin ba sa akin?” Hindi na nagpaligoy-ligoy si Nick at tinanong ang babae tungkol sa tunay nitong damdamin para sa kanya.
“Hindi ko alam, pero parang hindi naman. Hindi mo naman kasalanan kung bakit ako itinulak ni Margaret sa hagdanan,” sabi ni Meghan. “Anyway, kaya kita gustong makausap ay dahil magpapaalam ako.” Ilang araw din niyang pinag-isipang mabuti ang tungkol sa plano niyang gawin.
“Saan ka pupunta? May job interview ka ba outside Bohol? Gusto mo bang samahan kita?” Bigla siyang nagpanic sa sinabi ng babae.
“Gusto ko munang hanapin ang sarili ko,” sabi niya.
Nakatitig lang siya sa babae at hindi makapagsalita. Tama ba ang narinig niya? Bigla siyang nangamba na baka sa panahon na mahanap ni Meghan sa sarili nito ay siya naman ang makalimutan ng babae. “What about me?” he asked.
“You’ll be fine,” sumagot si Meghan.
“Paano ako magiging okay kung wala ka? Hindi ba kita pwedeng samahan sa paghahanap ng iyong sarili?” Nakiusap si Nick kay Meghan.
“Nope. I’d like to do it…alone.” She insisted.
“Meghan, no! Pag-usapan natin ito ng mabuti, okay? Alam kong malaki ang galit mo sa akin, pero sweetheart, mamamatay ako kapag umalis ka.” Sabi ni Nick sa gumaralgal na boses.
“Buo na ang pasya ko, Nick at bukas na ako aalis.” Sabi ni Meghan sa kalmadong boses. Masakit para sa kanya ang makita si Nick na nahirapan, pero sa tingin niya ay kailangan muna niyang dumistansya mula sa lalaki upang makasigurado sa kanyang damdamin. Magulo pa kasi ang kanyang utak at puso, samantalang si Nick ay puno ng pagsisisi. Ayaw niyang sapilitan itong maging sweet sa kanya dahil guilty lang ito.
“You’re cruel,” sabi ni Nick at nauna ng tumayo.
Nang umalis ang lalaki, hinayaan ni Meghan ang kanyang luha na dumaloy. Hindi lang si Nick ang nasaktan, pati na rin siya. Inakala ba ng lalaki na gusto niyang umalis? Hindi! Ayaw sana niya, pero kailangan! Kailangan niyang lumayo muna upang magkaroon sila ng space at peace of mind. Napagdesisyunan niya na ipaubaya na muna sa kaparalan ang kanyang love life. Kung sila talaga ni Nick ang nakatadhana para sa isa’t-isa, magkikita at magkikita silang muli.
*******
“I’m sorry,” paulit-ulit na humingi ng tawad si Nick kay Meghan dahil siya ang pangunahing dahil kung bakit nawala sa kanila ang kanilang panganay na anak.
“Nakaraan na ‘yon,” sumagot si Meghan.
“Gusto mo bang ngayon na natin buuhin si baby?” Bumulong si Nick kay Meghan at malakas siyang kinurot nito sa tagiliran.