FOUR YEARS AGO… Tanghali na siyang nagising at wala na rin si Nick sa kanyang tabi. Kung ganun, panaginip lang ba ang lahat? Pinakiramdaman niya ang sariling katawan. Positibo siyang hindi lamang panaginip ang nangyari sa kanilang dalawa ni Nicholas bago siya nag-passed out.Bumangon siya siya at tiningnan ang bedsheet. Tama nga ang kanyang hinala dahil may mantsa ng dugo iyon. Nasaan na kaya ito? Medyo masakit ang ulo niya at ang buo niyang katawan. Namula ang kanyang mukha nang maalala ang nangyari sa kanila ni Nick. Her virginity was lost already and she was not protected against pregnancy. Fertile siya. So hindi imposible na magbunga ang pagniniig nilang dalawa. Ayaw niyang iisipin na napipilitan lang si Nick na patulan siya dahil sa walang humpay niyang pang-aakit dito. Umasa siya n