Nang umalis ang dalawa, mabilis siyang nagsuot ng damit at pinuntahan si Emma sa kabilang silid. Sinabihan niya ito tungkol sa biglaang pag-uwi ng kanyang mga magulang. "What?" bumalikwas siya ng bangon, hindi alintana na wala siyang suot na damit. "Wetwew!" napasipol si Alexander nang masilayan ang magandang hubog ni Emma. Ngunit pinili ni Emma na ignorahin lang ang panggugudtym sa kanya ng lalaki. Nag-panic siya sa biglaang pagdating ng mga magulang ni Alexander. "Pwede bang dito na lang ako?" nag-atubili siyang sumama kay Alexander patungo sa office ng magulang nito. "Don't worry. Mabait ang parents ko," sabi ni Alexander. "Pero di ba ang sabi mo, ikaw lang naman ang pinapupunta doon? Bakit kailangan pa akong sumama?" she reasoned out. "Honestly, I want your moral support. I'm n