May masakit pa ba doon? Mapait siyang ngumiti habang pilit na hinalungkat ang kanyang memorya hanggang sa may nahanap siyang isang masayang alaala. Tuwing naiinis siya kay Nick, kailangan lang niyang balikan ang mga masasaya nilang moments upang mapawi ang galit niya sa lalaki. Pero bakit isa lang yata ang lagi niyang naalala? Simula ba noong pumayag siyang magpakasal sa lalaki ay iyon lang ang naganap na masaya silang dalawa? It was almost midnight and she was already in bed when she decided to do something risky and naughty. Bumangon siya mula sa kanyang kama at hinubad ang kanyang pangtulog. Pagkatapos ay nagsuot siya ng roba, lumabas ng silid at kumatok sa pintuan ni Nick. Hindi niya alam kung gising pa ang lalaki pero sinubukan niya pa rin. “May kailangan ka ba?” Nagtanong si Nic