Hilot lang ang sinabi ni Nick ngunit higit pa roon ang nangyari. Matapos kasi nitong hilotin ang kanyang paa ay dahan-dahang umakyat patungo sa kanyang hita ang kamay nito. “Sabi mo hilot lang,” kinausap niya ang lalaki. “Ayaw mo?” “Gusto,” maarte siyang sumagot at kinabig ang lalaki palapit sa kanya. “Kaya lang, bigla akong may naalala.” Kumunot ang noo ng lalaki kasi kanina sila nagkwentuhan tungkol sa hirap at sarap na dinanas nila bago mangyari ang kasalan. “Ano na naman?” “Nagtaka lang ako kung bakit lagi mo na lang pinagseselosan si Michael,” sabi ni Meghan. “Bakit naman hindi eh halata namang may gusto siya sayo,” nakasimangot na sumagot si Nick. Napangiti si Meghan nang mulin