bc

Living With The Heir

book_age18+
2.5K
FOLLOW
10.2K
READ
contract marriage
arranged marriage
drama
comedy
sweet
mxb
bisexual
lighthearted
campus
city
like
intro-logo
Blurb

Matahimik na sana ang buhay ni Teo, kaso nagbago ang lahat ng iyon mula nang malaman niyang ampon siya at nagmula pala siya sa isa sa mga pinakamayamang pamilya sa bansa.

And even worse, nakatadhana na pala siyang ikasal sa isang lalaki—yes, LALAKI na anak ng kaibigan ng mga biological parents niya.

There's only one word that can describe Teo's situation—TROUBLE.

This story was written back in 2017.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Huminga ako nang malalim habang nakaharap sa salamin. "You can do this, Teo. Para sa kumpanya ng mommy at daddy mo. Para kina nanay at tatay. Hinga nang malalim…" sabi ko bago ako panandalian na pumikit. Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. "Sir Matteo-" I winced upon hearing my name. "-nasa baba na po si Sir Trace." Nanlaki ang mga mata ko bigla. "WHAT?!" gulat kong tanong. "Nasa baba na po siya. Hinihintay na po kayo," sabi naman ng kasambahay. I temporarily closed my eyes. "Di pa 'ko ready," maiyak-iyak kong sabi. Kagaya nga ng balita ni Zee kagabi ay ngayon na nga bibisita si Trace sa amin. Halos mamatay-matay na ako sa kaba pagkagising ko. Iniwan pa ako ni Zee dahil may aasikasuhin din daw siya sa kumpanya. Well, I have seen Trace's face (and body) already pero hindi ko pa rin maiwasan na hindi kabahan. Hindi ko alam kung makikilala pa niya ako. I tried to calm myself para hindi ako magmukhang timang. Humarap ako sa salamin sabay ayos ng buhok ko pero kahit anong gawin ko na pagsusuklay ay mukhang permanente na talagang magulo ang buhok ko. I tried to hide my freckles with some baby powder pero sadyang matagal nang tadtad ng mga pekas ang mga pisngi ko kaya wala naman 'yung effect. I balled my hands into fists as I walked outside my room. Pabigat nang pabigat ang hakbang ko habang pababa nang pababa ako ng hagdan. Una kong nakita ay ang likod ng isang lalaki na nakasuot ng dark blue longsleeves at slacks. Halata ang sense of formality sa pananamit pa lang niya. Kausap niya sina mommy at daddy. Halos lumabas na ang puso ko mula sa dibdib ko sa lakas ng kabang nararamdaman ko. Huminga ulit ako nang malalim pero tila nagsikip na ang dibdib ko sa matinding kaba. Napansin lang ako nina mommy at daddy nang nasa baba na ako ng hagdan. "Oh, Teo, anak. Halika rito. Ipapakilala kita rito kay Trace," tawag sa 'kin ni mommy. Umikot bigla ang lalaking kausap ng parents ko. Namumutok na mga braso at dibdib, a prominent jawline and noticeable cheek bones, finely-chiseled nose line, thin lips, and mesmerizing blue eyes. ‘Yun lang naman ang tanawin na bumungad sa ‘kin. "Teo? Teo?" I blinked a few times. "Po?" Nasa harapan ko na pala 'yung lalaki. "This is Trace Villamor Ilagan. Siya ang mapapangasawa mo," sabi ni daddy. Pinadaanan ako ng titig ng lalaki. Napansin ko na kumunot nang kaunti ang noo niya. I looked at myself. Nakasuot lang pala ako ng napakaluwag at butas-butas na sweatshirt at boxer shorts. Nahiya ako bigla sa sarili ko. Sa kakamadali ko ay nakalimutan ko pang maghanap ng matinong damit na susuutin. "And this, Trace, is our only son. Meet Matteo Onyx Francia Garcia," sabi pa ni daddy. Nag-abot ng kamay sa 'kin ‘yung lalaki. "Nice to meet you. I am Trace Villamor Ilagan, twenty-two-" I gulped. "Twenty-two?" I'm only 18. "Yes. Twenty-two. Just call me Trace, and I am your future husband."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.5K
bc

NINONG III

read
365.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

NINONG II

read
619.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.6K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook