CASSY Kasalukuyan kong tinitingnan yung files ng bago naming client ng biglang may kumantok sa pinto. “Pasok Gabby” sabi ko dito. Naramdaman ko na bumukas yung pinto kaya hinintay kong magsalita si Gabby. “Yes Gabby?” tanong ko habang nakatingin pa din sa files na hawak ko. Nagtaka ko dahil hindi sya nagsasalita. Pero bigla akong napangiti ng lumapit sya sakin at naamoy ko yung pabango nya. Hmmm, himala, kumatok ang bruha. “At ano namang masamang hangin yung nagdala sayo dito?” nakangiting sabi ko dito. At dahil maarte ako, hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. Kahit hindi ko sya nakikita ngayon, alam kong napasimangot sya. “Hmp! Masama na bang dalawin ko yung girlfriend ko? Namiss kita eh.” Lalo naman akong natawa ng tumingin ako sa kanya. Ang cute-cute nya kasi. Nakasimangot h