CASSY “Goodmorning Cassy” napatingin naman ako sa lalaking nakatayo sa may pinto ng iffice ko. Bigla naman akong naguilty dahil sa smile nya sakin. Ngumiti din ako ng pilit sa kanya. “Hi Joel, kamusta?” “Eto umaasa pa rin na mamahalin ni Michelle” malungkot itong ngumiti. Lalo naman akong nasaktan para sa kanya. Papano pa kaya pag nalaman nya na yung matchmaker nila yung umaagaw sa pagmamahal ng babaeng mapapangasawa nya. “Ahm. Sorry kung medyo natatagalan ha” “Ok lang yon, wala ka namang kasalanan. Alam naman kasi namin ng parents nya na babae yung gusto ni Michelle e. Kami lang yung nagpipilit sa kanya na mahalin ako” “I’m sorry” “Nga pala pumunta ko dito kase ngayon nakaschedule yung sa movie diba?” Tumango naman ako. “Nasabihan ko na din pala si Michelle. Kaso di pa sya puma