Kabanata 1

2306 Words
Kabanata 1 Cheating Mabilis ko pinahid ang mga luhang nahuhulog sa pisngi ko habang malalaki ang hakbang na nag lalakad sa gitna ng corridor. Lahat ng mga estudyante na nakakasalubong ako ay nakatingin sakin na puno ng simpatya. Mapait ako napangiti. Bakit ngayon pa kayo naaawa kung kailan tapos na? Tapos na ako lokohin? Tapos na ako iputan sa ulo? Para saan pa ang awa? Pathetic as always Athena. Ilang beses pa ba ako lolokohin, iiwan at kaawaan? Mula sa na nag kaisip ako, 'yan na lang umiikot sa buhay ko. Wala na bang bago? Nakakatawa, bakit hindi na ako nagulat na lokohin at iwan ako ng taong unang minahal at pinag katiwalaan ko kung mismo magulang ko ay pinamigay ako? I'm an orphan. Bata pa lang hindi ko na kilala kung sino magulang ko. Mga madre ang kumupkop, nag alaga, nag pakain saakin. Hanggang sa nakayanan ko na mag isa at heto ako 3rd year college na sa Engineering. Malapit na ako makatapos, malapit ko na matupad 'yong pangarap ko at isa na doon ang mahanap ang mga magulang ko. "Athena..hindi ba parang ang harsh mo kay Danica kanina?" boses iyon ni Bianca. May pag aalala sa maamo nitong mukha. Sumabat naman si Camille "Hindi ba harsh yong ginawa nila kay Athena?" umikot ang mata nito "I can't believe it! Pero kung ako ang tatanungin kung kanino ako magagalit? Kay Herold!" Mabigat ang dibdib ko na pumasok sa room at kinuha lahat ng gamit ko. Uuwi ako ngayon sa apartment, wala akong pakealam kung hindi na perfect attendance. Tumaas ang kilay ni Camille nang makita ako "Uuwi ka na agad? Para saan? Mag mukmok?" "Hayaan na natin si Athena.." malambot na boses ni Bianca "Nasaktan sya Camille. Let rest her mind for a while." Humalukipkip si Camille at hindi na tinago pa ang iritasyon. Ramdam kong may gusto syang sabihin ngunit hindi nya masabi sabi dahil alam nyang masasaktan ako. I sighed "Don't worry about me." Maraming lumilingon saakin na mga estudyante na gusto ako lapitan at kaawaan. Kung sino man ang dapat kaawaan dito, si Danica iyon. Tama si Bianca masyado ako naging harsh kay Danica kanina, dapat kinausap ko sya ng kami lang. Pero masisi nyo ba ako kung bigla ko na lang malalaman na all this time the real reason of our break up is because of a woman. Hindi lang sya other woman, kasi somehow naging kaibigan na ang turing ko sakanya. I want to apologize to her, but not now.. hindi ko pa kaya. Sumakay ako ng tricycle. Malayo ang tingin ko habang umaandar. Gusto ko mag tanong kung ano ba ang kulang saakin, bakit saakin ginawa 'yon. Binigay ko naman lahat lahat Herold ah? Nag kulong lang ako pag kadating sa apartment na tinutuluyan ko. Tumahol si Balbon, kumawag kawag ang buntot nito na parang natutuwang makita ako. "How's my baby boy?" aliw ko kay Balbon. Tumahol ito uli atsaka tumalon saakin. Humagikhik ako atsaka niyakap sya pabalik. "Mabuti ka pa, hindi ako iniiwan."ngiti ko sa aso na akala mo ay maiintindihan ang sinasabi ko. Pagkatapos, pumasok na ako sa loob. Binagsak ko ng bag sa sofa atsaka sumalampak katabi ang mababang lamesa. May mga kailangan pa ako dapat tapusin na mga floor plans. Kinuha ko ang unipin .3 at inumpisahan ang dapat tapusin. Isinantabi ko muna ang lahat, hindi ko hahayaang maapektuhan ako habang tinatapos itong ginagawa ko. Binuhos ko lahat ng oras ko sa pag gawa ng floor plans. Hindi naman siguro pag mu-mukmok ito. Mas okay na ito kaysa hayaan ko pa ang sarili na mag isip ng mag isip sa nalaman. Isang tahol ni Balbon mula sa labas, alam ko na kung sino ito. Nilabas ko ang laptop at tinuon ang sarili sa pag gagawa ng CAD. I'm in a hurry, mas gugustuhin ko pa mamroblema sa mga requirements ko kaysa sa isang..cheater. "Athena.." boses ni Herold iyon ng sya ay makapasok. Sumama ang tingin ko sa ginagawa, hindi pa din tinataas ang tingin sakanya. I bit my lip when I felt his hand's reaching for me. Mabilis ako lumayo. Doon ko na naramdaman ang pag babara saaking lalamunan. Bakit pa sya nag punta dito? Tapos na ang palabas! Tapos na nya bilugin ang ulo ko. "Ako na..ako na mag tatapos ng CAD mo" malambing nyang sabi nang makitang nahihirapan ako sa ginagawa. Damn! Bakit ba sa lahat lahat, CAD ako nahihirapan. "I don't need your help Herold.." matigas kong sabi "Just get lost." "Ayaw ko Athena.." Pinipigilan ko ang sarili na linungin sya. Hinding hindi ako mag papaapekto sa boses nya na parang nag mamakaawa! Humakbang sya papunta sa maliit na kusina. My apartment is small, pero malinis at maayos naman ito. Simula ng bumukod ako kina Sister, dito na ako tumira. At sa ilang taon na nandito ako naninirahan, sya lang ang lalaking pinaapak ko dito. "Lulutuan kita. Ano ang gusto mo?" tanong nya, parang walang kaalaman na nangyari kanina. He's the first man I love. Nang tumapak ako sa Xander University bilang isang scholar, sya ang unang nag approach saakin. Sakanya ko naramdaman paano mahalin, alagaan. Lahat ng bagay na dinamot saakin ng tadhana. But little did I know, sya din pala ang sisira. Kung sino ang nag tayo, iyon din ang sisira. "Do you want some soup—" "Shut the f**k up Herold!" sigaw ko, naubos na ang pag titimpi. "Don't act as if...walang nangyari kanina!" I cant hold back my tears anymore. Life is so really unfair. Sino pa ang nag hihirap, sila pa ang lalo pinapahirapan. Kailan ko ba mararanasan maging payapa? "I..I'm sorry.." halos bulong nya. Tinuro ko ang pintuan. "Umalis ka na.." "Mag papaliwanag ako—" "..at wag na wag ka na aapak pa dito!" patuloy ko. He didn't say anything. Ramdam ko na nakatitig lang sya saakin. Kung dati natutuwa pa ako kapag nakatingin sya saakin. Ngunit ngayon? Hindi na. Hinding hindi na! "Aalis ako ngayon. Pero mag uusap pa tayo.." lakas loob nyang sabi. Halos matawa ako sa sinabi nya. Doon na ako bumigay atsaka nilingon sya. Hindi ko mapigilan ang sarili na pag masdan sya. Then shook my head. Kapag gwapo talaga manloloko. "Wala na tayo diba? Ikaw ang nakipag hiwalay saakin. Bakit naman kita hahayaan pa na kausapin ako? Kung hindi ko lang nalaman na..na nag taksil ka. Siguro open arms pa kita tatanggapin pero ito.." huminto ako atsaka lumunok. "Athena..isa ka sa mga importanteng tao sa buhay ko." "Dalawa kami imporatante sayo Herold." ngiti ko nang mapakla. Ayaw ko pa pag isipan ng masama si Danica. "No. Iba sya, at iba ka din." pag papaliwanag nya. "Mahal ko sya bilang sya, at ikaw mahal kita bilang..kaibigan." Wow. Lakas loob ko sya tinignan at tinaasan ng kilay "Alam mo Herold, try mo na mag pa-xray. Baka sakaling dalawa 'yang puso mo!" Lumapit pa sya saakin ngunit tinaas ko lang ang kamay ko sakanya sabay tinuro ang pinto. Bumuntong hininga na lamang sya bago ako sinulyapan muli atsaka nag lakad palabas. Pag kasarado 'saka ako naupo. Narinig mo na Athena? He's Gago! Truly he is! Inis 'kong inabot ang phone sa gilid. Nag bukas ako ng messenger at pumunta sa GC naming tatlo. Online sina Bianca at Camille kanina, kita kong minimention nila ako sa GC. Inisip na nilang nag mukmok ako dito sa apartment dahil hindi na ako pumasok pa. I typed a message. Athena Mendez: Wala ba kayo plan mag night life this week? Mabilis nag seen silang dalawa. Bianca Argente: Athena! How are you? Gusto ka namin puntahan kanina, kaso may inasikaso kami sa firm. Camille De Guzman: Wazzup b***h! Alam mo bang ginugulo kami ni Herold kanina katatanong kung nasaan ka! My gosh. Hindi ba sya marunong makiramdam? Athena Mendez: Yeah. Nandito sya kani, kanina lang. Camille De Guzman: Holy cow! Anong sinabi? Nakipag balikan ba?! Nako please Athena, wag ka marupok. Bianca Argente: Kung ano desisyon mo Athena, I'll support you :) Camille De Guzman: Tigil tigilan mo nga yang pagiging anghel mo Bianca! Hindi nararapat para sa cheater na 'yon! Athena Mendez: Well, gusto nya kahit hiwalay na kami. We're still remain friends.. Camille De Guzman: Tangina nya kamo! Bianca Argente: Hayy.. Camille De Guzman: Sabihin mo din na wala syang b*yag! B*lbol lang meron sya pero b*ayag wala! Bumuntong hininga na lang ako. Kapag ganyan na mag salita si Camille, sobra sobra na ang galit nyan. Saaming mag kakaibigan, Si Camille ang medyo..pranka at aggresive. Alam nya naman lumugar pero kapag galit na, hindi na nya kung anu-ano ang lumalabas sa bibig nya. Mataray din. While Bianca, well sya ang laging kalmado at anghel siguro saaming tatlo. Then ako? Gitna. Minsan may ugaling Bianca pero kadalasan may ugaling Camille, sa piling bagay. Nag paalam na ako sakanila pag katapos pag usapan ang ibang bagay. They taking Architecture. Ako naman ay Civil Engineering. We both in 3rd year. Katulad nila ay nag sisimula na rin ang OJT naming mga CE students. Mabuti na lang at nag advance subs ako noong summer para wala masyadong subject ngayong 3rd year. OJT and other subs na lang ang matututukan ko. Malapit na ako makapag tapos. Matutupad ko na ang matagal 'kong pangarap. Hindi ko hahayaang maapekto ang pangarap ko sa walang kwentang bagay. Kinabukasan, hindi pa din humuhupa lahat ng nangyari kahapon. Cheating issues and lalo na 'yong relationship issue ni Danica kay Sir Alexander. "Hindi na pumasok pa si Danica?" rinig kong sabi, isa sa mga kaklase. "Oo. Nakita ko nga si Mrs. Lladones sa office ng Director. Mukhang mag t-transfer na ata." "Kung saakin din naman nangyari iyon, hiyang hiya ako sa sarili kong ginawa kung ganon!" tawa ng isa. Humigpit ang hawak ko sa Drafting Tube. Actually, nandito lamang ako para mag pasa ng floor plans. Pag katapos ay babalik na sa Engineering Firm na pinag o-ojt ko. "Ang landi naman kasi! Dala-dalawa ang gusto?" "Ay gags!" biglang humina ang boses "Nandyan si Athena.." Kinagat ko ang aking labi atsaka tumayo nang makita ang professor. Lumapit ako dito atsaka binigay ang Drafting Tube. "Sir mag papasa lang po ako. Babalik pa ako sa field eh." Kinuha ni Sir Gadon ang Drafting Tube. "Sige. Kuhain mo na lang saakin 'to tomorrow. You may go." Tumango ako. Bago ako umalis ay tinignan ko muna nang masam iyong mga babae kanina na nag uusap. Wala. Wala silang karapatan manghusga! Wala silang karapatan pag isipan ng ganon si Danica! Ngayon nag sisisi ako na kinompronta ko sya harap harapan. Gusto ko sya makausap.. Masama ang aura ko ngayon. Wala akong pakialam kung iyong mga lalake na lagi napapalingon saakin ay nakikita akong ganito. I'm aware that almost of men here, may gusto saakin. Sadyang ang focus ko ay studies, SSG at Herold..dati. "Athena!" sigaw ni Kevin mula sa malayo. Kumaway ito at alanganing ngumiti. Malamig ko lang sya tinignan atsaka nag lakad na palabas. Bakit may mga taong tinitolerate ang kalokohan ng kaibigan nila? Alam naman nilang mali, pero parang todo support pa sila. They're trash, sagip kapamilya! Mabuti na lang at hindi ako late nang makarating sa field. Bumati ako sa mga nakakasalubong 'kong engineer. Tango lamang sila. Medyo nakaka-intimate kasi kung iisipin, mga bigatin na Engineer ang nakakasama ko dito. Umakyat ako sa taas atsaka nag time in, nag suot ako ng hard hat bago sumulong sa field. Sabi nga nila, sa office na lang ako. Pero I insist na sa field ako i-assign. Gusto ko makita ng actual ang ginagawa nila, by that may mga natututunan ako. "Engr. Sanchez." bati ko sa babaeng taas nuong nag mamasid sa ginagawang building. Tumango lang ito at hindi man ako pinansin. Sya 'yong na-assign saakin. Lumingon sya saakin at taas kilay may tinuro. "Start your work." Walang salita ko sinunod ito. Isang linggo pa lang ako dito pero saulo ko na ang ugali ng ibang Engineer dito. Kilalang kilala ko ma din sila. Halos lahat sila dito graduate ng Summa c*m Laude 'yong iba pa ay top notcher nung Board exam. Sa totoo lang, pinapangarap ko dito mag trabaho kapag nakapasa na ako sa board. This is a big engineering firm. They called it. HWM Engineering Inc. Gusto ko din maging ganon kay Engr. Sanchez. She's a topnotcher of their board. Nag iisa lang nyang babae dito, at kahit mataray ay maraming humahanga. Well, maganda sya at hindi nababagay sa field na ito. Mas bagay rumampa sa mga pageant. "Mr. Monterial!" matinis na tinig ni Engr. Sanchez. "Engr. Sanchez." halakhak ng dumating. Agad ako napasimangot at pinagpatuloy ang ginagawa. Pero kung gusto ko man maging si Engr Sanchez, iyong pagiging engineer lang siguro dito. Pero yong pagiging flirt? No way! Kumuha ako ng pala at nag simula mag halo ng semento. Dapat talaga nasa office ako, at hindi ginagawa ang pang lalakeng gawain na ito. Pero katulad nga ng sinabi ko. Gusto ko, actual. Pantay pantay na ang lalake at babae ngayon. Kung kaya gawin ng lalake, kaya din ng babae Humagikhik si Engr Sanchez. "Ano ba! Wag dito!" malandi. Dahil medyo malapit ako sakanila at iyong ibang mang-gagawa ay busy sa ginagawa nila. Rinig na rinig ko mga pinag sasabi nila. "Let's go to my office..Wayne." si Engr. Sanchez Oo nga pala, bakit muntik ko na makalimutan. Wayne Monterial is a son of the owner of this big firm! Alam ko tambay lang ito sa bar nya, bakit naman bumisita ito dito? He's the childhood friend/ fiancee of my friend Bianca Argente. Sa totoo lang, ayaw ko sakanya. Kahit sabihin natin na mag kaibigan na sila ni Biana simula pa ng bata. Hindi matanggal sa isip ko na sasaktan nya lang ang kaibigan ko. Look at him! Ngising ngisi sa pagkakakawit ni Engr. Sanchez sakanya. Playboy! He then looked at me. I raised my brow, na lagi ko ginagawa kapag nandyan sya. He smirked then winked. Urgh. Playboy! — Sana hindi kayo naguguluhan. Sana naalala nyo si Athena. Sana naalala nyo yong time na sinugod ni Athena si Danica noong nalaman iyong cheating issues. Salamat!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD