Kabanata 7

1676 Words
Kabanata 7 Thank you Bakit ano ba ang gusto mangyari ni Herold? Na open arms ko sya tatanggapin pagkatapos ng mga nalaman ko? And what? He wants a friendship with me? Sino ang maloloko nya! Kahit sino, hindi na muli makikipag balikan sa taong once ka niloko! Kahit sabihing, pakikipag kaibigan lang. I want to laugh so hard with that thought. Bitter na kung bitter, pero ayaw ko na makita pa sya muli. Yes, he's forgiven. No to any connection with him again. Once is enough. And I don't give second chance. Malapit na kami sa kabihasnan, natatanaw ko na ang nag sisitayugang gusali. Kahit kaunti ay nakahinga ako nang maluwag ng makalayo kami doon. Sinandal ko ang ulo sa bintana at tinanaw ang labas. I want to leave, gusto ko lumayo. Pero saan naman ako pupunta diba kung yong ipon ko ay sapat lang para sa pag aaral ko. I sighed then choose to closed my eyes for a little sleep. Lagi ko sinasabi sa sarili na lahat ng nangyayari sa buhay ay may mga rason. Ngayon nag iisip ako bakit ano ang rason nila bakit ako lagi iniiwan? I'm not enough for them? Hindi ba sapat ang isang Athena Mendez sa buhay nila? "Hey." tikhim ng katabi ko. Sinilip ko si Wayne sa inaantok kong mata. He handed me a medium coke float. Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayan na dumaan pala kami sa drive thru. "Thanks." I murmured at tahimik na uminom ng coke float. Ngayon ko na lang naisip na sumama pala ako kay Wayne. I glanced at him. He's busy driving and eating fries. Mukhang walang problema sa buhay. Bumaba ang tingin ko sa braso nya na puno ng..bagong tattoo? Wala ito last time ah. Dahil malakas ang pakiramdam nito ay nilingon nya ako at ngumisi. I rolled my eyes. Here we go again! "Stop drooling Athena. Kakatapos mo lang makita 'yong ex mo eh." "I'm not! Tigil tigilan mo nga yang pagiging feeler mo." "Oh bakit sinisilip-silip mo ako?" Kunot nuo ko syang nilingon. Lumingon din sya. Grabe napaka hangin! "I'm just checking your tattoo!" tinignan ko ang malaking tattoo nya sa braso. I'm sure it's still fresh. Ngumiwi ako. "Masakit?" I told myself before that I'll get myself a minimalist tattoo. Ngunit sa nakikita ko ngayon, parang natatakot na ako. Tumikhim sya "Yeah.." I nodded while checking his tattoo. Gustong gusto ko talaga. Pero mas lalo ako natakot sa sinabi ni Wayne. I sighed. Minimalist lang naman, hindi naman siguro sobrang sakit? Unlike nito, malaki kasi. Uminit ang pisngi ko ng mapagmasdan din ang matitigas na biceps niya. The trace of tattoo is on his hard biceps. Kahit hindi hawakan ay sigurado akong matigas iyon. Siguro todo mag papawis ito? Ngumuso si Wayne saakin. Nag taka pa ako, ngunit ng tinaas nya ang palad nya sa gilid ng kanyang labi ay 'saka ko lang nakuha. Agad na lumipad ang hampas ko sa braso nya! Damn! It's really hard! "Aw!" he said but the playful smirk still plastered. Umirap ako sakanya at lumingon sa harap. Nandito na pala kami sa firm. I checked my watch, nakahinga ako nang maluwag dahil hindi ako late. I was about to open the door when I saw myself in the side mirror. Great! Suot suot ko yong pang-cheerdance uniform. Hindi ko pa nakuha yong ipapahiram na damit ni Elysa saakin. Great! Sobrang ikli pa nitong palda. Makita pa lang ako pag kalabas ko ay pag titinginan ako! Worst, hindi talaga ako pag t-trabaho-in dahil sa suot ko. Saan ka ba makakakita na naka-cheerleader uniform habang nag hahalo ng semento? Bigla bumukas ang pinto sa harap ko at sumungaw si Wayne. "Gusto mo ba mag pa-aircon na lang dyan Miss?" sabay bumaba ang tingin nya sa suot ko. "Oh a cheerleader.." Napalunok ako sa pag banggit nya. Mabilis ko tinapalan ng kamay ang legs ko. That maniac is looking! Sinamaan ko sya ng tingin. He shook his head then glanced to the workers na napapalingon na rin saamin. Gusto ko na itulak si Wayne at isarado ang pintuan. Bumalik ang tingin nya saakin. Pilit na ngumisi. Sumulyap sa suot ko saglit at may binulong. "Wayne!" "Tsk!" he said. Iritado nya muli nilingon ang suot ko bago umiwas ng tingin at tumalikod. Ano naman ang nangyari doon? Kanina ngumingisi ngisi, ngayon parang batang inagawan ng candy. Bahala nga sya. Isasarado ko na sana 'yong pintuan ng may tumawag saakin. "Athena! You're 5 minutes late!" nakataas na kilay ni Engr. Sanchez saakin. Sobrang sama ng timpla lalo na napapasulyap sya sa sasakyan na inuupuan ko. Yeah! Why I forgot that I'm seating on his Kia Seltos. Alam nyang kay Wayne ito at diba nga fling ni Wayne si Engr. Sanchez. Kaya siguro ganyan na ang sama ng timpla nya ng makita ako. "Why are you inside of Sir Monterial's car?!" Akala ko ba first name basis sila ni Wayne? Eh bakit ngayon ang formal nya? I sighed. Para namang pwede ko sagot-sagutin si Engr. Sanchez, edi bumagsak ako. "Engr. Sanchez—" she cut me off "No! Get out of his car!" sigaw nya. Nawala ang poise nya sa sigaw. Lumingon din ang ilang trabahador saamin. Ang kanina ko pa tinatagong itsura ay tuluyan na nakita. Don't get me wrong, naaasiwa lang talaga ako sa tinginan ng iba. At talagang pag titinginan ako dahil sa gitna ba naman ng maalikabok at maruming site ay naka-suot ako ng ganitong kaikling cheerleader uniform! "Mag papalit po muna ako Engineer." "Bakit ka mag papalit? Nag punta ka dito na ganyan ang suot mo diba? Why can't you showcase yourself with them right?" nag pipigil ang gigil nya. May mga bumubulong bulong at pinag mamasdan ang suot ko na ilang trabahador. Napayakap ako sa suot. "Engineer hindi naman po talaga ito ang susuotin ko—" My eyes widened when she harshly pulled me out of Kia Seltos! Maagap ko nahanda ang paa kaya hindi ako natuluyan bumagsak sa lupa. "Mag simula ka na mag trabaho!" she shouted. "Miss okay ka lang?" isang trabahador na lumapit saakin at pinagpag ang tuhod ko na wala namang buhangin. Bigla ako manginig at lumayo. "W-wag mo ako hawakan!" Inosente ako tinignan nung trabahador pero mapapansin mo pa rin na may sumisilip na kakaiba sa ngiti nya. I gulped. Dumami na 'yong mga trabahador na nanunuod saakin. I immediately hugged myself. This is the first time I feel humiliated in-front of many people. Tinataasan lang ako ng kilay ni Engr. Sanchez, hindi man nag salita sa pag hawak sa tuhod ko kanina. Parang nasa harap ako ng maraming pating na ako ang pain. Wala akong kawala. Gusto ko tumakbo ngunit nanlalamig ang katawan ko. Run Athena run! "What the hell is happening here?!" madilim na boses ni Wayne iyon. "W-wayne." si Engr. Sanchez na parang nakakita ng multo. Tumahimik silang lahat. Nanatili ako nakayuko at nanlalamig kahit guminhawa ako ng dumating sya. Humakbang sya palapit saakin. "Athena.." his cold voice warm my heart. Bigla ako nakahinga sa pinipigilang pag hinga kanina. Hinarang nya ang kanyang sarili saakin. He called me again but I didn't response. He cursed. Sa isang iglap ay binuhat nya ako. Hindi na ako nag isip pa at mabilis na siniksik ang mukha sakanya. Gustong gusto ko mag tago sa bisig nya, agad nya namang tinugon dahil sa hapit at paraan ng pagbuhat saakin ay talagang walang makakakita lalo na at binalot nya ng coat ang legs ko. Wala akong iniisip na iba ngayon kundi ang itago ang sarili sa mata ng ibang tao. I didn't choose this, hindi ko pinili na mag suot ng ganito sa harapan nila. "Good Afternoon Engineer! Nag hihintay po si Madam sa office nyo—" Bumibigat ang dibdib ko. Iba..sobrang iba ang naramdaman ko kanina sa harap ng maraming tao. Ganito rin ba ang naramdaman ni Danica? Kaya hindi ko sya masisi na umalis sya. This is too heavy. Pumasok kami sa isang silid. Sinarado ni Wayne ang pinto, naglaho ang ingay na galing sa labas. Sobrang tahimik, wala man saaming dalawa ang gusto mag salita. Dahan dahan nya ako binaba sa isang...kama? Minulat ko na ang mga mata ko ng mailapag nya ako. Hindi ko maikakaila na...mabango sya..sobra. At parang dumikit na iyon sa suot ko. "Mag pahinga ka muna." his deep voice echoed. He looked at me first before pulled himself. Sobrang bilis. Ang bilis. Hindi ako makahinga nang maayos. What's happening? Hindi kaya sobra lang ang takot at pagod ko sa nangyari ngayong araw. Binuhusan ako ng tubig, pinahiya, ginulo ni Herold, natakot sa harap ng maraming takot at heto tinulungan ng isang Wayne Monterial, na walang ginawa saakin dati kundi asarin at iritahin. Pinag masdan ko syang nilakad ang kabilang table, may kinuhanh paper bag. Sa tatak pa lang ng brand, masasabi mong ilang kaban na ng bigas ito. Tama. Dahil lang ito sa mga nangyari saakin ngayong araw. I'm tired, physically and emotionally. "Wayne.." "Hmm?" he replied, nasa paper bag ang focus. I looked at those worth thousand paper bags then back to him. "Salamat.." I said sincerely. He stopped then looked at me. Seryoso pa rin ang mukha. Tumango lamang sya atsaka nilapag sa gilid ko yong paper bags. Sinilip ko ang loob non. Shirt and jeans. Tinignan ko yong nasa ilalim. Halos mag init ang pisngi ko sa nakapa! "Athena.." he called me. Namumula akong nag taas ng tingin sakanya. Damn! That's a pair of red panty and bra! At sa tingin ko ay kuhang kuha nitong ang size ko. He was about to twist the door nob when he looked at me "This is the first time you say 'Thank you' to me huh? Dapat pala ni-record ko!" Then grinned ear to ear. Bumalik na naman ang nakakairitang ngisi nya! But I don't know why I biting my lip, stopping myself from smiling. "Walang special sa thank you ko." He just grinned and winked at me before open the door. Pinagmasdan ko muna ang pintuan at umiling iling bago kinuha ang paper bag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD