ANGELA NAGISING ako bandang alas tres ng madaling araw nang maramdaman kong hinahalikan niya ako sa tenga. Dama ko ang kiliti na hatid ng kanyang paghalik kaya naman pilit akong nagising. "Baste, nakikiliti ako," bulong ko. "Gusto kita ngayon, kangkarot. Sige na," bulong rin niya sa pinakasenswal na paraan. "Inaantok pa ako Baste, at masakit pa ang sugat ko." "Masakit pa ba? Patingin nga?" "Sira-ulo ka talaga. Anong patingin?" "Titingnan ko lang kung bakit masakit." "Kasi nga, mayroong sugat, nasugatan ako kanina diba?" "Titingnan ko lang ang sugat." "Tigilan mo nga ako, Baste." "Isang round lang, sa ibabaw ka." "Ha? Grabe, hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo." "Madali lang naman eh." "Makulit ka talaga, Baste." Ang kulit ng lahi ni Baste. Halata iyon sa kung ano ang mg