BASTE NAGISING ako nang ako'y kalabitin ni Gelai bandang alas nuwebe ng umaga. Pagod ako at hindi ko akalain na ganoon ang magiging epekto ng aming unang pagniniig. Napangiti ako nang makita ko siya sa tabi ko. Napakaganda niya at wala akong ibang maisip kundi ang bagay na inihandog niya sa akin. Wala nga talaga siyang karanasan ngunit ang bagay na iyon ang mas lalo pang nagbigay ng dahilan para mas mahalin ko siya. Sa akin niya unang ibinigay ang bagay na iyon kaya naman tila ba ako'y isang hari na hinandugan ng pinakamahal na regalo. "Gusto kong kumain ulit, nagugutom ako," saad niya habang nakayakap sa akin. Nakaunan siya sa braso ko habang yakap niya ako mula doon. "Paamoy muna ako ng pepe," biro ko. Tumingin siya ng masama sa akin mula doon saka umirap. Natatawa naman akong hu