ANGELA DALAWANG linggo ang lumipas at patuloy lang kami sa pagbabangayan at asaran ni Baste. Mukhang mayroon na ring alam at ideya ang mga magulang ni Baste sa kung ano ang relasyon naming dalawa kaya’t ngayon ay medyo naghinay-hinay lang kaming pareho sa mga maaaring mangyari. Patuloy lang ako sa pag-aaral ng maayos habang namamasukan sa kanila. Hindi na rin naman ako iba sa kanila sapagkat itinuturing na rin nila akong parang sarili nilang anak. Minsan nga ay ayaw na rin nila akong pagtrabahuhin dahil sa aking kapaguran sa aking pag-aaral ngunit dahil gusto kong tumulong ay pinipilit ko. Pinagagalitan nga rin ako minsan ni Baste dahil matigas ang ulo ko at mayroon pang minsang nangyari na nasuka ako dahil sa sakit ng aking ulo. SABADO ng umaga, wala ang mag-asawa at kami lang dal