ANGELA HABANG nasa daanan kami ay nasa isip ko talaga na napaka-imposible na nasa ibaba ang gamit niya. Wala siyang kahit na anong nilagay sa kotse kanina kaya't sa palagay ko ay naplano na ang lahat bago pa man mangyari ang mga ito. Malakas ang kutob ko na mayroon siyang gamit dito sa loob kaya't inikot ko ang mga mata ko. Napatingin naman ako sa nakalawit na hawakan ng bag sa taas namin. Nagtaka ako dahil mayroong bag doon, dapat ay wala dahil wala naman kaming dinalang bag. Imposible ring mayroong naglagay niyon doon na ibang pasahero, dapat ay kung ano ang nasa tapat, doon lang din ilalagay ng bawat isa ang mga bagahe nito. "Hoy Baste, kaninong bag iyong nasa taas?" Kinalabit ko pa siya. "Aba ewan ko diyan. Hindi ko alam," sabi pa niya. Pero wala talaga akong tiwala sa lintik na