bc

A Soldier's Wife Revenge: Alyas Luna

book_age18+
868
FOLLOW
3.5K
READ
kickass heroine
bxg
kicking
city
rebirth/reborn
like
intro-logo
Blurb

Tubong taga-Mindanao si Imari Villegas at isang Mechanical Engineer. Lumipat lamang silang mag-asawa sa Maynila dahil doon na nadestino ang asawa nito bilang Military Intel. Kabilang ang asawa nitong si Capt. Augustus Villegas sa mga na-promote na Military Intel dahil sa pagbibigay ng report sa mga kasamahang sundalong lumusob sa North Cotabato upang masupil ang kalakaran ng mga ilegal na gawain ng mga New People’s Army.

Sa kabila ng magandang career ni Imari at sa maalwan nilang buhay, hindi pa rin ito sapat sa kaniyang asawang si Augustus. Naging maayos naman ang unang taon ng kanilang pagsasama ngunit nagbago ang asawa nito dahil sa hindi niya malamang dahilan. Naging mainitin na rin ang ulo nito at madalas ay pinagmumulan nila ng pagtatalo. Minsan din ay napagbubuhatan siya ng kamay ng kaniyang asawa.

Isa sa mga dahilan ng kanilang pagtatalo ay hindi niya ito mabigyan ng anak. May problema siya sa kaniyang ovary at ilang doctor na rin ang sumuri sa kaniya ngunit wala rin magandang resulta. Itinago niya sa loob ng limang taon nilang pagsasama ang pighati at pagmamaltrato nito para lang isalba ang relasyon at pangalan ng bawat isa. Tiniis niya ang lahat para lang kay Augustus at nagpaka-martir. Nagbanta rin itong manganganib ang buhay niya kapag nagsumbong siya sa kinauukulan.

Hanggang sa dumating ang trahedyang magiging mitsa ng kaniyang kamatayan.

Sa paggising niya sa ibang katauhan, nakilala niya si Duke Villamor. Ang gwapong doktor na tumulong sa kaniya at nag-aruga.

Maisakatuparan ba niya ang paghihiganti sa dating asawa?

Mabibigyan ba ng hustisya ang pagkamatay niya at pagiging sawi?

chap-preview
Free preview
Prologue
Tumatakbo ako sa loob ng isang lumang warehouse sa Laguna habang bitbit ko ang aking forty-five caliber. Maingat ang aking mga kilos upang hindi ako makagawa ng ingay sa loob na halos madilim na rin ang parte na pinasukan ko. Wala akong takot na mabulilyaso ang malaking transaksiyon ng palitan ng mga smuggled firearms sa malaking halaga. “Luna, kumusta ang lagay mo riyan sa loob?” tanong ng lalaki. Naririnig ko ang baritonong boses ng lalaki mula sa nakasalpak sa aking tenga upang may komunikasyon ako sa mga awtoridad na kasama ko sa operasyon at naghihintay lang ng go signal ko. Napasandal ako sa madilim na bahagi habang tanaw ko na ang mga kalalakihang nagpapalitan ng kanilang mga dala sa ibabang bahagi. “Nagpapalitan na sila ng kanilang mga dala at nakikita ko na nag-abot na ang grupo ng mga Chinese ng malaking halaga sa grupo nina Julius. Maaari na kayong sumugod,” tugon ko sa kabilang linya. Isa na ring iyong hudyat na maaaring lusubin ng mga kasama ko ang lugar. “Okay. Take care and see you later,” muling wika ng lalaki. Kaysarap pakinggan ang pag-aalala mo sa akin pero hindi ito ang panahon upang hangaan kita. Muli akong tumayo sa aking pinagkukublihan at muling lumapit pa sa kinaroroonan ng mga kalaban. Nagmistula akong pusa habang naglalambitin sa mga maliliit na bakal sa ibabaw upang makalapit lang sa mga kalaban na hindi nila namamalayan. Subalit nagkamali ang pagtapak ng isang paa ko dahilan kaya ako napatalon agad dahilan ng matinding ingay. “Si Luna!” sigaw ng isang lalaking may hawak na armas. Nakilala ako ng lalaki base na rin sa suot ko kung saan ako naging kilala sa mga ito. N-full leather suit ako, naka-black na boots, may itim na hood at ang higit sa lahat, may suot akong face mask na may printed na puting lobo. Dito ako binansagan ng mga hayok sa pera dahil sa face mask kong suot. Nagsimula na akong pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan habang naghahanap ako ng mapagtataguan. Shit! Napamura na lang ako sa aking isipan habang umiiwas ako sa mga pagpapaulan nila ng mga bala. Gumulong-gulong ako, yumuko at tumalon sa mga bahagi na hindi ako matamaan ng kanilang mga bala. Nakipagpalitan din ako ng mga putok sa grupong nasa ibaba at malas nilang matamaan sila. “Huwag niyong buhayin si Luna! Patayin niyo ang letseng babaeng iyan!” sigaw naman ng lider sa kabilang grupo. Nakita ko na may pampasabog na armas ang mga kalaban ko kaya bago pa man nila pinakawalan ito, nakatalon na ako. Sumabog naman ang parte kung saan ako naroon at kung hindi ako tumalon, katapusan ko na naman. Nasunog na rin ang bahagi ng warehouse at dahil light materials lang ang nasa loob, kumalat agad ang apoy. Ilang sandali pa ay nakita ko na ang reinforcements na binigyan ko ng go signal kanina. Natunton din ako ng lalaking kausap ko kanina sa linya habang malalim ang mga titig niya sa akin. Mabuti na lang at maagap ito ngunit nang tumayo ako ay bigla akong nanghina. “Luna! M-May sugat ka!” Agad akong napatingin sa tuhod kong may sugat at nagkukumahog din ang lalaking daluhan ako upang tulungan. Sa tuwing nanganganib ang buhay ko, naroon siya sa tabi ko. Naroon ang lalaking malaki ang puwang sa panibagong buhay ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook