HINDI mapigilan ni Nash ang pagsilay ng munting ngiti sa labi niya habang pinagmamasdan ang maganda’t maamong mukha ni Joanna habang abala ito sa pagkain. Sino ba ang makakapagsabi na posible pa palang mangyari iyon makalipas ang dalawang taon matapos nang mga nangyari sa kanila? Na makakasama niyang muli ang dalaga? Sigurado siya sa sarili niya na hindi niya pagsisisihan ang naging desisyon ngayon. Walang nakakaalam sa pamilya niya na naroon siya ngayon sa isla na pagmamay-ari ng kanyang lolo’t lola na matagal ng sumakabilang buhay. Kahit na ang Kuya Nathan niya. Matapos kasi nitong sabihin kung saan namamalagi si Joanna ay isa lang ang gusto niyang gawin… ang makasama si Joanna ng sila lang at mag-usap. Pero dahil imposible na mapasama niya ito sa lugar na iyon kaya naman umisip siya n