NAIINIS si Jove nang magising siya kinabukasan. Masakit ang ulo niya. Alam niya ang naganap kagabi kahit lango sa alak ang utak niya. Ang kinaiinisan niya ay ang pag-ignora sa kanya ni Serron. Hindi matanggap ng sistema niya na may lalaking binaliwala ang beauty niya. Pero naiinis din siya sa kanyang sarili bakit naging wild siya nang ganoon. Nakakahiya siya.
“Good morning, ma’am!” nakangiting bati sa kanya ng service crew na nakasalubong niya sa dining area.
Ngumiti lamang siya.
Umupo siya sa bakanteng mesa at tumingin ng mao-order sa nakalatag na menu book sa ibabaw ng mesa. Alas-diyes na ng umaga at masyado na iyong late para sa almusal. Wala siyang makitang gusto niyang kainin. Gusto lamang niya ng mainit na sabaw.
“Ano po ang order nila, ma’am?” tanong sa kanya ng waiter na lumapit.
“Gusto ko ng crab and corn soup,” aniya.
“Iyon lang po ba, ma’am?”
“Yes, please.”
“Okay po.” Umalis din kaagad ang waiter.
Wala pang isang minuto ay nakarating na ang order niya. Pakiramdam niya’y mababasag ang ulo niya. Sisimulan pa lamang niya ang paghigop ng sabaw ay natigilan siya nang mapansin ang lalaking nakaupo sa katapat niyang mesa. Nakatingin ito sa kanya habang may hawak na ilang perasong papel. Medyo pamilyar sa kanya ang bulto ng mukha nito. May similarity ito kay Serron.
Mamaya ay namataan niya si Serron na lumapit sa lalaki. May ibinigay itong puting sobre sa isa. Kumislot siya nang biglang magawi sa kanya ang paningin ni Serron. Parehong nakatingin sa kanya ang dalawa. Nakadama siya ng ilang at ‘agad na ibinaling ang tingin sa kanyang pagkain. Pakiramdam niya’y may nagsisiga ng apoy sa tabi niya.
Nang muli niyang sipatin ang dalawang lalaki ay wala na ang mga ito. Nagmamadaling inubos niya ang kanyang pagkain. Naalalala niya, last day na pala ng pag-stay niya sa resort na iyon after niyang mag-extend. Hinagilap niya si Serron upang sana makausap ito tungkol sa kanyang plano na pagpapagawa ng resort. Sinadya niya ito sa kuwarto nito ngunit tanging ang batang si Jero lamang ang naabutan niya. Ito ang nagbukas ng pinto. Nakasuot ito ng ternong puting pajama.
“Where is he? Where’ Serron?” tanong niya rito. Nakabusangot ito habang nakatingala sa kanya.
Naisip niya bigla ang ginawa nitong paghablot ng kuwintas niya, pero bakit wala na siyang madamang inis dito, instead, she found him cute?
“I don’t know,” masungit nitong sagot.
Tumiungko siya sa harapan nito. “You know, I just like you, my parents passed away when I was twelve years old. But I have a twin sister and she left me too. I’m alone now. I’m a lonely one, like you and I understand what you had felt,” imosyonal na wika niya.
“No, you don’t understand me. I’m not like you, my parents left me and they don’t care for me. They’re irresponsible!” may poot sa tinig na sabi nito.
“But everything has a reason.” Bigla na naman siyang nilamon ng guilt, sa pag-iwan niya sa sarili niyang anak.
“That damn reason wasn’t helping. Every child wants their parents by their side all the time. But I’ve not assumed anymore that they will accept me again.”
Nanikip ang dibdib niya dahil sa pahayag na iyon ni Jero. Naisip niya, ganoon din kaya ang nararamdaman ng anak niya? Tumayo siya nang wala siyang maisip sabihin.
“Anyway, I have to go,” aniya.
Paglingon niya sa likuran ay natigilan siya nang makita si Serron na nakatayo may isang dipa ang pagitan sa kanya. May kung anong bumundol sa dibdib niya at bigla na lamang tumulin ang t***k ng puso niya.
“Finally, I found you,” naiilang na sabi niya.
“You’re leaving, right?” anito.
“How did you know?”
“Nasabi sa akin ng front desk officer.”
“Ahm, mamayang twelve noon. Pa naman Gusto ko sanang makausap ka tungkol sa construction ng resort ko. Kailan mo ipapakilala sa akin ang sinasabi mong engineer?”
“Actually nakausap ko na siya. Pero mamayang gabi pa siya makakalabas. Akala ko hanggang bukas ka pa para sana makausap mo siya.”
“Puwede rin naman akong bumalik rito mamayang gabi.”
“Hindi mo ba mahintay na gumabi para hindi ka na bumyahe?”
“Kumusta naman ang bill ko sa resort na ito kung mag-e-extend ulit ako?” natatawang sabi niya.
“Akong bahala sa exceeding hour mo.”
Kumibit-balikat siya. “Ikaw ang bahala.”
Ngumiti lamang ito. Pagkuwa’y ibinaling nito ang tingin kay Jero na nakamasid lang sa kanila. Binalingan din niya ng tingin si Jero. Pinagmasdan lamang niya si Serron na nilapitan si Jero. Nang magtabi ang mga ito ay lalo siyang nakumbinsi na magkamukha ang mga ito. Iniisip niya na baka anak nga talaga ni Serron si Jero at nagsinungaling lamang ito.
“Sigurado ka ba na hindi mo anak si Jero, Serron?” tanong niya sa lalaki nang magkasama na sila sa iisang mesa sa dining at magkasalo sa tanghalian.
Ngumisi si Serron. “Paano mo naman nasabi iyan?” anito.
“Ano, nagkataon lang na magkamukha kayo?” giit niya.
“Wala akong anak, Joli.”
“So meaning, wala kang naging karanasan.”
Hindi kaagad nakaimik si Serron. “What do you think at my age?” pilyong saad nito.
Tumawa siya nang pagak. “Ilang babae na ba ang dumaan sa buhay mo?”
“I only love one woman,” anito.
“And who was it?”
“My mother.”
Mabilis na napalis ang ngiti niya. Ibig sabihin wala talaga itong naging relasyon sa kapatid niya?
“Nice. Hindi ako magtataka kung bakit ayaw mo akong patulan. Sa madaling salita, conservative ka,” aniya.
Ngumiti ito. “Wala ka talagang maalala?”
“Na ano?”
Hindi siya nito sinagot bagkus ay kinuha nito ang bread knife saka dahan-dahang hiniwa ang steak nito. “I got it,” anito.
Kunot-noong tinitigan niya ito. Kakaiba ang ngiting pinamalas nito. Binato siya nito ng mahayap na tingin habang mahinhin na isinusubo ang kaperasong hiwa ng steak na tinusok nito ng tinidor. Ang mahayap nitong tingin ay naging kasing lagkit ng pulot habang pilyo ang ngiti.
“God! You look seductive. Hindi mapagkakatiwalaan ang ganyang tingin,” aniya.
“Tinawagan ko si Riegen, papunta na siya ngayon dito,” sabi na lamang nito.
“As in now na?!”
“Oo, para makapagpahinga ka mamayang gabi.”
“That’s good. I want to meet him.”
Mayamaya lamang ay biglang may guwapo at matangkad na lalaking sumulpot sa tabi nila. “Hi, everyone!” nakangiting bati sa kanila ng guwapong lalaki.
“Oh, here is he. This is Riegen Franco,” pagkuwa’y pakilala ni Serron sa kaibigan nito.
Hindi siya kaagad nakapagsalita. Nakatingala lamang siya sa guwapong nilalang na nakatayo sa harapan niya na nag-aalok ng kanang kamay.
“Nice to meet you, Joli!” malapad ang ngiting bati ni Riegen sa kanya.
“Nice to meet you too!” pagkuwa’y sabi niya saka dinaop ang palad nito.
Pagkatapos ng maikling pagpakilala ay umupo si Riegen sa silyang katapat niya at katabi ni Serron. Nang may lumapit na waiter ay agad itong nag-order ng pagkain nito.
“Nasabi na ba sa iyo ni Serron na available lamang ang serbisyo ko sa gabi?” ani Riegen.
“Oo naman. Walang problema sa akin,” aniya.
“Good. So, kailan natin sisimulan ang construction?” tanong ni Riegen.
“Anytime this month if okay na ang sketch na gagawin ni Serron.” Binalingan niya ng tingin si Serron.
“Actually may natapos na akong isang sample,” sabi naman ni Serron.
“Bakit hindi mo pinapakita sa akin?” nakataas ang isang kilay na tanong niya.
“Nag-utos na ako ng isang staff para kunin ang sketch sa office ni Erron,” ani Serron.
Nakangiting tinitigan niya ito. Napansin kasi niya ang pamumula ng mukha nito. Mamaya’y natukso siyang kalabitin ng paa ang hita nito. Nanlalaki ang mga matang napatitig ito sa kanya. Natitigilan ito sa pagnguya.
“You’re nice, Serron,” aniya habang pilya ang ngiti.
Hindi niya nakontrol ang pagbawi ng paa dahil medyo masikip ang espasyo. Lalo lamang nagigimbal si Serron sa ginagawa niya. Ilang beses itong napapalunok nang mabilis.
“Uhum!” si Riegen na kanina pa pala nagsasalita.
Kamuntik na siyang mapaangat nang biglang ipitin ni Serron sa mga hita ang isang paa niya na nangahas na pumagitan sa mga hita nito.
“You’re nice too, Joli,” seryosong wika nito habang matalas ang tingin sa kanya.
“Uhm, excuse me, guys, baka hindi naman ako kailangan sa lunch meeting na ito,” mamaya’y sabad ni Riegen.
Awtomatiko’y ibinaling niya ang tingin kay Riegen. Gumalaw ang paa niya at dumiin pa sa p*********i ni Serron. Mabuti na lamang at inalis niya ang sandal sa paa niya. May takong pa naman iyon, pisa sana ang alaga nito.
“Im, sorry,” matabang ang ngiting sabi niya kay Riegen.
Ngumiti lang ang isa. Nang sipatin niya muli si Serron ay napansin niya ang mariing pagkakahawak nito sa bread knife. Ang isang kamay nito na walang hawak ay naikuyom nito. Ibinaba nito ang isang kamay sa ilalim ng mesa at pumiksi siya nang hawakan nito ang talampakan niya saka hinimas. Yumanig ang mesa nang bigla niyang bawiin ang paa niya.
“Hey, what’s wrong?” angal ni Riegen. Balisang halinhinan sila nitong tinitingnan.
“Anyway, I’ll call you guys if final na ang desisyon ko. Can I have your calling card, both of you?” sabi na lamang niya, tumayo na siya.
Dagli namang dumukot ng calling card si Riegen sa wallet nito saka ibinigay sa kanya. “Thanks,” aniya pagkatanggap.
Binalingan naman niya si Serron na kampante pa ring nakaupo. “And you?” aniya.
“Alam mo kung saan ako matatagpuan,” sabi lang nito.
“Fine! Bye guys!” aniya saka nagmamadaling umalis.
Nagtungo siya sa kuwarto niya at iniligpit ang kanyang gamit. Hindi niya maintindihan bakit nakadama siya ng pagnanasa kanina kay Serron. At naiinis siya sa sinabi nito kanina na wala itong ibang minahal na babae kundi ang ina nito. Ibig sabihin hindi pala talaga naging espesyal dito ang kapatid niya?
“Sino ka ba talaga sa buhay ni Joli, Serron?” nalilitong tanong niya sa hangin.
Mamaya’y may kumatok sa pinto.
“Come in,” aniya.
Natigilan siya nang bumukas ang pinto at lumitaw ang bulto ni Serron na may dalawang nakarolyong sketch paper. Hindi niya naituloy ang pagsisilid ng mga damit sa munting maleta niya.
“Aalis ka na ba?” tanong nito sa ilalim ng malamig na tinig.
“I need to go,” aniya.
“Hindi mo ba muna titingnan ang ginawa kong sketches?”
“Of course I will, but I need to go. Sa bahay ko na lang ‘yan titingnan.” Ipinagpatuloy niya ang ginagawa.
Inilapag naman nito ang dala sa kama sa tabi niya. “I hope you would like it,” anito saka dumestansiya sa kanya.
“I will.” Isinara na niya ang maleta saka tumayo.
“I think we need enough time to know each other, Joli,” anito pagkuwan.
Natigilan siya. Marahas na hinarap niya ito. “Anong ibig mong sabihin?” kunot-noong tanong niya.
“Pakiramdam ko kasi parang ngayon lang tayo nagkakilala, na parang balewala ang pinagsamahan natin noon. Maraming nagbago sa iyo,” seryosong wika nito.
Ngumisi siya. “Huwag mong ikumpara ang noon sa ngayon. Everything was changed. I changed my lifestyle, my whole life. What’ wrong with it?” mataray na sabi niya.
“Nothing but I’m just confused.”
“Confused for what?” Deep inside, kinakabahan na siya. Nahuhuli na siya ni Serron.
“Parang ibang tao ka na. I can’t feel Joli’s presence in you.”
Hindi siya nakakibo nang lapitan siya nito. Hinaplos nito ang magkabilang pisngi niya. “Don’t get me wrong, I just want to kiss you,” anito.
Hindi niya ito magawang itulak nang masuyong halikan nito ang labi niya. Ang halik nito ay makapangyarihan kahit simple lamang ito. Mayroon itong mainit na elemento na mabilis na nanalaytay sa kanyang mga ugat. Hindi niya napigil ang sarili na tugunin ang iginagawad nitong halik. Ngunit kung kailan tumugon siya ay saka naman ito tumigil at lumayo sa kanya.
“The kiss, I felt it before many years ago. I want to make love to you, Joli, like we did before,” seryosong pahayag nito.
Nawindang siya. May kung anong kumurot sa puso niya habang naiisip na may namagitang sekswal kay Serron at sa kapatid niya.
“Bakit mo sinasabi sa akin ang bagay na iyan?” aniya at hindi naitago ang iritasyon sa kanyang tinig.
“I just want to remind you of something. Mukhang hindi mo na kasi naalala ang mga nangyari noon. But the past is past. Let’s move on.”
“Sorry if I pretend to forget the past, but obviously, you didn’t care about it,” kunwari ay apektadong wika niya.
“I never loved you, Joli. Alam mo iyan.”
“But I loved you?” Ngali-ngali niyang batukan ang sarili. Talagang hindi siya sigurado sa sinabi niya. Ano lang ba ang alam niya? Base kasi sa mga kuwento noon sa kanya ni Joli ay halatang in-love iyon kay Serron. She just felt a mild pain in her heart. She doesn’t know why.
“Sinabi mo na iyan dati,” anito.
Biglang nabikig ang lalamunan niya. Wala siyang maisip sabihin dahil hindi naman talaga niya alam ang totoong nangyari. Hanggang sa tumalikod na lamang si Serron.
“Sinasabi ko na ulit, Serron. I love you,” aniya. Hindi na niya pinag-isipan iyon, parang sinapian siya ni Joli, as part of her acting and pretending.
Tumigil sa paghakbang si Serron. “But my answer is still what you’ve heard before,” matigas na sabi nito.
“Okay.” Hindi naman niya alam kung ano ang sinabi nito noon kaya wala siyang maramdamang kakaiba maliban sa hindi maipaliwanag na sakit.
“Pero na-miss kita,” sabi nito. Binuksan na nito ang pinto saka lumabas.
May ilang sandaling nakatitig siya sa kakasarang pinto. Hindi na niya maintindihan ang nangyayari sa kanya. Bumuga siya ng mabigat na hangin.
SA halip na umalis ay nagpalipas pa ng gabi si Jove sa resort. Naiinis siya sa nararamdaman niya. Parang ayaw na niyang umalis sa lugar na iyon. Ayaw niyang malimitahan ang pagkikita nila ni Serron. Alas-otso ng gabi ay nagbabad siya sa labas, sa tabing dagat kung saan may beach side bar. Wala namang ibang mag-aaliw sa kanya kundi ang paglalasing.
Nang uminit na ang pakiramdam niya ay naghubad siya ng damit. Tanging itim na underwear na lamang ang suot niya. Hindi siya tumigil sa pag-inom hanggat hindi siya nahihilo. Makalipas ang ilang sandali ay umiikot na ang paningin niya.
Tumayo siya at naglakad patungo sa pampang ng dagat. Lumusong siya hanggang sa mabasa ang kalahati ng katawan niya. Lumangoy siya sandali saka nagpalutang. Iminulat niya ang kanyang mga mata. Wala siyang ibang nakikita kundi ang kalangitan na napupuno ng makinang na mga bituin. Mamaya’y may itim na ibong lumilipad paikot sa kanya.
Nawala siya sa konsentrasyon. Kinabahan siya nang mamalayan na malayo na pala siya sa pampang. Kung kailan lalangoy na siya ay saka naman biglang namulikat ang kaliwang paa niya. Nahihilo siya kaya lalo siyang nahirapan makaangat.
“Help!” sigaw niya. Wala siyang makitang tao na malapit sa kanya.
Bumulusok siya pailalim nang biglang may kamay na humawak sa paa niya. Hinila siya nito. Madilim sa ilalim ng tubig kaya hindi niya makita kung sino ang humatak sa kanya pababa. Nagpumiglas siya ngunit malakas ang nilalang na ito.
Nahihirapan na siyang pumigil ng hininga at may nainom na rin siyang tubig dagat. Mamaya’y biglang bumitiw ang kamay na nakahawak sa paa niya, ngunit hindi pa rin niya magawang umangat. Lalo lamang siya lumulubog hanggang sa manilim nang tuluyan ang paligid niya.