Nike Trinidad Dahil sa imagination ay hindi ko nga napigilang mapangiti habang iniisip ang mga halik ni Nicolette. Nagawi ang aking tingin sa gawing pintuan ng bumukas iyon. Hindi nawala ang aking ngiti sa labi kaya ng makita ko ang mga taong pumasok ay nahihiwagaan naman ako sa kanilang kakaibang tingin. “Kapag ganyang mga ngitian Nike, alam na namin!” saad ni Kael. “Mukhang may pinapantasya ka rito kaya ganyan ka blooming ang mukha mo.” Tumigil at muling humirit, “O baka naman nababaliw ka na rin katulad ni Tyler?” tawa niyang tanong sa akin. “Baka tinamaan ka na ng palaso ni kupido!” “New flavor of the month?” tanong ni Kendric. “Business clients or company staff?” tanong na natatawa ni Tyler. Napangiwi ako at iniling-iling ang ulo. “So! Totoo pala ang nasasagap kong balita sa kapa