Nicolette Celestial Tuwang-tuwa si Yaya Mel ng pagbuksan ako ng pintuan. Papasok pa lang ay rinig na rinig ko na ang mga tawanan at kulitan ng mga boses. Napa sulyap pa ako dahil sa pagtataka kung sino ang kalaro ni Nicolo at sobrang masaya siya. “Mabuti na lang Ma’am at maaga kayong umuwi!” bungad ni Yaya. “Kanina pa po kayo hinihintay ni Sir Emman. Inabot ko kay Yaya ang aking bag nang kunin niya iyon. Tinupi ko ang dulo ng aking long sleeve habang naglalakad palapit sa dalawa. “Wow! Bakit kaya ang saya-saya naman ng baby ko?” tanong ko habang hinihintay na mapunta ang atensyon sa akin ni Nicolo. “Mukhang hindi ako na miss ng baby ko!” Kunwari ay nagtatampo ako. “Mommy!” tawag sa akin sabay takbo payakap sa akin. “Mommy, help me! He is tickling me all over my body. I cannot help but