Nicolette Celestial Napapansin ko ang kakaibang paninitig ni Nike sa akin. Ilang beses ko siyang tinanong kung may problema ba, pero umiiling lang siya. May pagkakataon na tatawagin niya ako pero hindi naman tinutuloy ang sasabihin. “Ang lalim ata ng iniisip mo?” Napalingon ako kay Abby, “Tinitignan ko lang si Nike at si Nicolo!” tugon ko. Nasa kabilang table sila Nike at ang ibang lalaki. Bukod rin ang lamesa naming mga babae. “Mukhang close na close nga ang dalawang iyan!” Si Deserie ang nagsalita habang nakatanaw sa lamesa ng aking mag-ama. “Nakita mo ba kung gaano ka hands-on si Nike kay Nicolo? At nakakatuwa dahil ang lambing nila sa isa’t-isa!” dugtong ni Abby. “E ‘di ba, sa tuwing nag a-attend si Kendric ng Paternity Birth Class magkakasama sila?” sabat ni Jayana. “Kaya sigu