Nike Trinidad Dahil sa biglaang pag tawag ni Daddy ay agad-agad akong umuwi. ‘Akala ko kung anong meeting ang sinasabi niya sa akin.’ When I arrive in our home isang sampal agad ang lumandas sa aking mukha na siyang ipinagtataka ko. ‘Mommy is furious.’ Halata sa kanyang galit at madilim na mukha. Maging ang kanyang palad ay nanginginig rin. “Sandra!” usal ni Daddy. Nilapitan si Mommy at hinimas ang likuran upang pakalmahin. “Kausapin muna natin ng maayos ang ating anak!” “Kausapin?” tanong na bulyaw ni Mommy sabay duro sa aking mukha. “Paano pa ba natin madadaan sa usapan ito kung problema ang dala niya sa pamilya natin at pamilya niya?” “Mommy, ano po ba ang problema?” pag-aalo ko. Sinubukan ko siyang lapitan at pakalmahin pero hinawi niya ang aking kamay. “Akala ko maaayos na ang bu