Twenty nine years later... PAGPASOK na pagpasok pa lang nina Monica, Adolf, at iba pang mga Werewolves ay sinalubong na sila ni Emily. Bakas ang matinding pag-aalala nang makitang iilan na lamang silang nakabalik. Kaagad na pinaalis ni Adolf ang mga miyembro nito para sa maseselan nilang usapan. Lalo na ang tungkol kina Selene, Angela at Hedvig. "What happened?" sa ama unang nagtanong si Emily. "Nasundan kami ng mga Vampires. At kasama nila si Cassius kaya marami sa mga kalahi natin ang namatay," tiim-bagang na sagot ni Adolf. "Siguradong kagagawan ng mga kalahi ko kung bakit tayo nasundan ng grupo ni Cassius." Malungkot na napailing si Monica. "At patawarin n'yo ako. Dahil wala na akong magagawa para kumampi ulit sila sa'tin. Si Cassius na ang kinikilala nilang bagong pinuno." Si Cas