Chapter 84

2235 Words

NAGPATULOY ang ganoong set-up nina Angela at Hedvig. Wala itong tigil sa pagsuyo sa kaniya. Halos araw-araw ay ito ang naghahanda ng pagkain nila. Ito rin ang naglilinis ng cabin. Hindi na rin ito umaalis para ipakita na tinutupad nito ang pangakong magpapakabuting nilalang na. Halos maya't maya rin siyang pinapaligaya ni Hedvig. Ngunit ni minsan ay hindi ito nanghingi ng kapalit o ng higit pa roon. Tinupad din ng binata ang pangako nito na hindi gagalawin si Angela. Para hindi malagay sa panganib ang buhay niya. At habang tumatagal ang pagsasama nila ay nakita ng dalaga na posible rin palang magbago at maging mabuting nilalang ang katulad ni Hedvig. Na kilala bilang demonyo na walang awa. Kahit mali, aminado si Angela na hindi niya mapigilan ang sarili na mahulog kay Hedvig. Totoo nga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD