"KAMI naman po ang magti-treat sa inyo, Tita, Tito," nangingiting sabi ni Noah sa mga magulang ni Michelle, pagkatapos nilang kumain sa MnM pizza. "Wow! May kainan pa pala, mahal?" gulat na tanong ng kasintahan. "Mabuti na lang at hindi ako kumain masiyado. Sira na naman sana ang diet ko." Ngumiti si Noah at saka pinisil ang baba ni Michelle kahit nakaharap ang kani-kanilang pamilya. "Hindi mo naman kailangang mag-diet, eh. Ikaw pa rin ang pinaka-sexy sa paningin ko kahit tumaba ka man." Inulan tuloy sila ng tukso. "Ayiee. Bumabanat si Kuya Noah ko... Inlababo talaga," tudyo sa kaniya ni Harlene. Nagkulay-kamatis ang mukha ni Michelle pero hindi naman siya nito sinaway. Sa halip ay naglalambing pa na yumakap ito sa kaniya. "Alam ko naman iyon, mahal, eh. Dahil wala ka nang mahahanap pa