LA MASHON, 1946 NANG makuntento sa paglangoy sa fire hole si Hedvig, umahon na siya roon at sa isang kurap lang ng mga mata ay nasa lupa na siya uli. Hubot't hubad ang nagbabagang-katawan. Habang naglalakad siya ay unti-unting hinigop ng kaniyang katawan ang apoy. Pakiramdam niya ay lalo siyang lumakas nang tuluyan iyong maubos. Kaagad siyang sinalubong ng isa sa kaniyang anim na disciple na si Abadon--ang pinakatamad sa lahat, para balutin ng kapa ang kaniyang katawan. Aktong susuotan siya nito ng damit nang suntukin niya ito sa mukha. Tumalsik at lumusot ito sa pader na bato. At nang bumalik ay anyong-espiritu na. Patunay na sobrang nanghina ang Vaciello nito kaya hindi agad nagamit. Kung nalakasan pa niya nang kaunti, baka napatay na niya. "Bakit ikaw ang nag-aasikaso sa'kin? Traba