"New York?" Gulat niyang ulit sa sinabi ni Elijah. "Yes, Tamara, we need to go to New York at doon tayo magpapakasal," tugon sa kanya ni Elijah. Parang nawala ang kanyang kalasingan sa mga narinig mula kay Elijah. Napaayos pa nga siya ng upo sa kama at tumingin ng deretso sa mga mata ni Elijah. Seryoso ang mga mata nito, mukhang hindi ito nagbibiro. "Bakit sa New York pa?" She asked. "Kung dito tayo magpapakasal kayang gumawa ng paraan ni Papa para hindi matuloy iyon o di kaya hindi maging valid ang kasal natin,' tugon nito. Hindi siya nakakibo, napalunok siya. Ibig sabihin hindi siya tanggap ng Papa ni Elijah. Hindi siya kayang tanggapin ng Papa nito kailanman kaya ang solusyon ni Elijah ay ang umalis sila ng San Miguel. "Masyadong malayo ang New York, pwede naman siguro sa ibang l