"Anong sinabi sa iyo ni Pauline?" Tanong sa kanya ni Elijah nang puntahan ito sa may sala kung saan siya nito hinihintay matapos niyang maligpit ang kanilang pinagkainan. Nakatayo sa may salaming pintuan si Elijah at nakatanaw sa labas, sa may hardin. "May relasyon ba kayo ni Pauline?" Tanong niya rito. Well, nais muna niyang alamin ang totoo para alam niya kung ano ang isasagot niya. Napalingon naman ito sa kanya. "Wala kaming relasyon ni Pauline," agad namang tugon ni Elijah sa kanya. Nais sana niyang sunod na itanong kung bakit nakakandong si Pauline rito kanina. Pero pinili na lang niyang huwag ng ipaalam kay Elijah ang pagsunod niya kay Pauline sa may bar. "Pero siya ang gusto ng mga magulang mo para sa iyo," she said. "Hindi sila ang pipili ng babaing pakakasalan ko," mariing s