"Ano na ba ang nangyayari sa iyo Tamara? Halos dalawang linggo ka ng hindi pumapasok, baka na expelled ka na niya kung hindi ka pa magpakita sa school," may pag-aalala sa tinig ng kaibigan. "Hindi ko pa kasi alam kung kailan ako makakapasok sa school," she said. Hindi ligtas sa kanya ang lumabas, tiyak na naka abang sa kanya ang kapatid. Tiyak na katapusan na niya once na mahuli siya ng kapatid. Tama naman din ang sinabi sa kanya ni Elijah na dapat niyang kasuhan ang Kuya Joseph niya. Marami naman silang ebidensya kaya tiyak na makukulong ito. Ang problema pag nangyari iyon tiyak na magagalit sa kanya ang ama ng kapatid, at madadamay na rin ang kanyang Mommy. Ayaw niyang masira ang pamilyang matagal ng pinapangarap ng Mommy niya. Kaya kahit alam niyang dapat na niyang ipakulong ang kap