"Huwag mo na lang pansinin si Tamara," sabi sa kanya ni Joseph nang makipagkita ang kaibigan sa isang coffee shop may pag-uusapan daw sila nito na importante at tungkol pala iyon sa stepsister nito. "So, kakasuhan niya ko?" Kalmadong tanong niya. Sinabi na rin naman ni Tamara sa kanya na kakasuhan siya nito ng r*pe. Ganoon pa man hindi siya naalarma o ano pa man, dahil alam niyang hindi siya kayang kasuhan ni Tamara ng r*pe. Bukod sa malabong manalo ito sa korte dahil mas makapangyarihan siya eh, wala namang katotohanan ang sinasampa nitong kaso sa kanya. Hindi niya pinakialaaman si Tamara, tumulong pa nga siya sa dalaga. "Wala namang sapat na ebidensya si Tamara para makasuhan ka. Sinabi ko lang sa iyo, para handa ka pag nanggulo ang babaing iyon,' Joseph said. Sa tono ng pananalita a