Nagising ako sa tunog ng alarm clock sa bedside table ko. Sinilip ko iyon at muling pumikit pero agad ding nagmulat nang maalala kung bakit ako maagang nag-alarm ngayong araw na ito. Dali-dali akong bumangon at naglakad patungo sa kwarto ni Trina. Tahimik pa sa loob kaya tiyak na tulog pa siya. Argh! Sinabi ko na nga kasing mag-alarm siya eh. "Trina! Male-late na tayo!" I shouted from the outside. Hindi naman sobrang lakas, sakto lang. "Trina!" I repeated. May narinig akong tunog mula sa loob. I think she's awake now. Iniwan ko na siya roon at naligo saka nagbihis na. I just wore a simple long sleeves cotton top and maong jeans. Hindi ko binasa ang buhok ko kaya nag-bun na ako agad kahit hindi nag-blower. Pagkasuot ko ng rubber shoes ko ay pumunta ako sa kwarto ni Trina. Sakto namang