"Anong gagawin natin sa Mall?" I asked him while he's driving. Pabalik na kami ngayon sa Manila. Balak na namin magpalipas ng hapon sa Mall. Hindi ko nga lang alam kung ano gagawin namin dahil nakanood na kami ng movie kanina. "Shopping." Malapit na kami sa Mall nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Ni hindi ko namalayang umambon. Kaya pala kahit alas tres palang medyo malulimlim na. "May payong ka?" Tanong ko kay Zale habang sinimulan nang maghanap ng payong sa sasakyan niya. Tumingin siya sandali sa akin bago sumagot. "Wala. Pero may extra akong jacket diyan." May kinuha siyang paperbag mula sa likurang upuan at iniabot sa akin. I opened the paperbag. Tumambad sa akin ang dalawang jacket. One small and one large sized though kahit yung small medyo over sized. Color black siya