"Malayo pa ba?" It's been an hour. Unlike earlier, wala na masyadong bahay-bahay rito. "May karinderya roon," nginuso niya ang pagkainang ilang metro nalang ang layo. Naghanap siya ng pagpepwestuhan ng sasakyan saka inihinto iyon sa tabi. Lumabas siya at pinagbuksan ako ng pintuan. Humalukipkip ako saka sumandal sa sasakyan. "Karinderya pinunta natin dito?" He chuckled before holding my wrist and pulling me next to his. Nang magkatabi ay lumipat ang kamay niya mula sa siko patungo sa aking bewang. "Masarap luto nila rito," aniya na mistulang iyon talaga ang pinunta namin dito kaya agad akong napasimangot. "Isang oras akong nakaupo roon tapos kakain lang pala tayo sa karinderya? I'm not complaining ha, pero seriously Zale?" Bumuntong hininga ako. "Marami namang kainan sa atin." Ng