"Bakit ganun? Pwede namang makita ko nalang sila na masaya 'di ba? Bakit may sakit pang kasama?" Buntong hininga ang naging sagot sa akin ni Trina. Alam ko, tulad ko ay hindi niya mahanap ang mga tamang salita para aliwin o pagaanin ang pakiramdam ko ngayon. Kasi maski ako ay ganoon. Hindi ko maipaliwanag ang sakit. Kahapon kasi umasa ako na mayroon pa akong magulang tulad ng mayroon akong kapatid. Pero napawi ang kasiyahang dulot niyon ngayon. "Ang swerte ko pala kahit paano noh?" Sumulyap ako kay Trina na nagyo'y tila malalim na rin ang iniisip. Mas mukha pa siyang stressed sa akin sa totoo lang. Pero dahil nga halos buong buhay ko ay kasama ko siya, maski nararamdaman ng bawat isa alam namin kaya ngayong nasasaktan ako, nalilito at nahihirapan, alam kong ganoon din siya. "Ako nakatak