Chapter 34

1697 Words

Malamig ang simoy ng hangin pagpasok namin sa gate ng rest house nila. May malalaking bato sa harap kung saan tumatama ang malalakas na alon ng karagatan. Pagpasok mo ng gate ay makikita ang bato-batong hagdanan patungo sa rest house. "Ideya ni Keyla iyan," ani ng tiya nila Kael na siyang kasama namin ngayon. May kasama rin siyang mga anak niya na lalaki upang tulungan kami magbitbit ng gamit, mga grocery lang naman dahil limang araw kami rito. Suot ang kani-kaniyang bagpack ay sumunod kami sa babae paakyat doon sa hagdanang bato. "Alin po?" usisa ko sa sinabi niya. Mga twenty steps lang iyon kaya madali rin kaming nakarating sa taas, mula rito ay kita ang malawak na karagatan, maging ang mga kalapit na resorts. Mas malamig ang hangin dito sa taas at mas payapa ang pakiramdam. "Ito,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD