Chapter 1
Tahimik ang dalagang si Jackie na naghihintay sa kanyang mga magulang sa pinuntahan nitong party sa kompanya ng ama, ginagawa ni Jackie ang assignment niya na ipapasa kinabukasan ng umaga, madilim ang buong silid at tanging ilaw na nang gagaling sa computer na kaharap ang liwanag na meron siya.
May mahaba siyang buhok, payat at hindi naman gaano katangkaran. May maliit siyang ilong, maliit na mga mata, inayos niya ng bahagya ang suot na salamin, hindi naman malabo ang mata niya at sinusuot lang niya ‘pag kailangan niyang gumamit ng computer para sa anti-radiation.
Isang katok ang narinig niya mula sa ibabang bahay, nahinto siya sa kanyang ginagawa, kinuha niya ang cellphone, tinignan doon kong anong oras, 9 pm na ng gabi at alam niyang mamaya pang 10 ang uwi ng mga magulang niya. Binitawan niya ang cellphone at muling narinig ang katok sa ibaba.
‘Baka umuwi ng maaga sila papa,’ sa isip-isip niya, inalis niya ang suot na salamin na pinatong sa lamesa sa tabi ng kanyang desktop computer na gamit at lumabas ng silid niya.
Pagkababa niya mula sa second floor, madali siyang lumapit sa pintuan at sinilip sa butas kong sino ang nasa labas. Laking gulat niya na hindi ito ang mga magulang niya, isang binata na duguan ang kanang sindito at palinga-linga ang tingin nito sa paligid na animoy may pinagtataguan.
“Sino yan?” Tanong niya sa binata kahit na hindi niya binubuksan ang pintuan. Kumakalabog ang dibdib niya sa kaba dahil sa biglang pagsulpot ng binata sa labas ng bahay nila.
“Tulungan mo ako at hinahabol nila ako,” halata sa boses ng binata ang takot dahil sa panginginig nito at pangamba sa boses.
“Teka lang hindi kita pwedeng papasukin sa bahay namin, tumawag ka na lang ng pulis o kaya’y ng ibang makakatulong sa ‘yo, baka away mga bata lang ‘yan madamay at baka pa ako,” aniya ng dalaga.
“Please na andyan na sila, papasukin muna ako, nagmamakaawa ako, kailangan kong magtago, papatayin nila ako,” nagulat si Jackie sa sinabi ng binata at kinabahan.
Nakita niyang muli itong lumingon kong saan-saan, “malapit na sila nagmamakaawa ako!”
Binuksan ni Jackie ang pintuan kahit na hindi nagdadalawang isip, hinatak niya papasok ang binata sa loob at sinara ang pintuan. Doon niya nakita ang marumi at duguang damit ng binata.
Halo-halong emosyon ang makikita sa mukha ni Jackie, pagtataka, awa at takot ang mas nangingibabaw sa kanya ngayon, “sino bang humahabol sa ‘yo?”
Umiling-iling ang binata at hinahabol ang hininga, “hi-hindi ko sila kilala, pero sinaktan nila ako, tignan mo,” sabay turo ng binata sa sindito niya kong saan may dugo na nagkalat na sa gilid ng pisngi nito.
“Halika gamutin natin yan at sana naman hindi ka nila nakitang pumasok ka rito,” sabay hila ni Jackie sa binata papuntang sala, pinaupo ang binata sa sofa, kinuha ang first aid kit sa isang kabinet na nakatayo malapit sa lumang orasan sa bintana at inayos ni Jackie ang mga gamit para sa binata.
“Grabe naman yang ginawa nila sa ‘yo, papatayin ka nila ng walang dahilan o baka naman napagkamalan ka nila,” wika ni Jackie habang nilalagyan ng betadine ang bulak.
Takot na takot pa rin ang binata sa mga oras na ‘yon, “h-hindi ko talaga alam.”
“Okay, gagamutin muna natin yang sugat mo, medyo kadire kasi, buti na lang may alam ako sa pang gagamot,” saka niya dinampi-dampi ang bulak sa sugat ng binata, tahimik na sila at walang nagsasalita ng kahit na sino nang may pinagtaka si Jackie. Lumayo si Jackie sa binata kaya nagtaka naman ang binata sa kanyang paghinto.
“Bakit?” Tanong ng binata kay Jackie.
“Hindi ko kasi mahanap kong na saan ang sugat mo at halos malinis na rin ang mukha mo,” doon nakaramdam si Jackie ng kaba at saka lang niya naalalang nagpapasok siya ng tao sa bahay nila ng hindi niya pinag-iisipan.
“Talaga?” Pagtataka ng binata at saka hinawakan ng binata ang sindito niya.
Nang alisin ng binata ang kamay niya, agad siyang tumayo at lumapit kay Jackie pero lumayo naman si Jackie sa kanya. Hinila niya ang buhok ng dalaga kaya doon na nag-umpisang nagsisigaw at humihingi ng tulong ang dalaga.
“Tumahimik ka nga,” bulong ng binata kay Jackie sa dalaga kaya nag-umpisang magtaasan ang balahibo niya, lalo na nang hawakan ang legs niya pataas sa puwetan niya, mangiyak-ngiyak siya ngayon at lalo itong nagsisigaw.
Dahil sa inis ng binata kay Jackie tinulak niya ito, tumama ang ulo ng dalaga sa dulo ng lamesa sa sala kaya agad itong nawalan ng malay, lumapit muli ang binata at kinuha si Jackie. Nakita niya ang sugat nito sa gilid ng mukha dahil sa pagkakauntog.
Napangisi ito at bumulong, “yan may sugat na.”
NAGISING si Jackie nang maramdaman niya ang pumapatak na tubig sa kanyang noo, dahan-dahan niyang dinilat ang mga mata, ramdam niya ang lamig, ang pagkahilo, ang hapdi ng sugat niya, ang higpit ng pagkakatali sa magkabila niyang mga paa at mga kamay. Nang maalala niyang muli ang lahat ng nangyari at tuluyan niyang dinilat ang mga mata.
Yinuko niya ang ulo, laking gulat niya na wala siyang kahit na anong saplot sa katawan, muli siyang napaiyak sa takot na pwedeng mangyari sa kanya, pamilyar siya sa lugar na saan siya, sa silid niya at habang ang binatang tinulungan niya kanina ay nakatayo mula sa gilid ng kama. Nakangising nakatingin sa kanya habang may hawak ng baso.
“Please wag mo akong sasaktan,” pagmamakaawa ng dalaga.
“Hindi naman kita sasaktan kong susunod ka sa akin, maalala ko pala maraming salamat sa pagtulong mo sa akin, sobrang bait mo at ang bobo,” sarkastikong saad ng binata.
Napahagulgol ang dalaga, “wag mong gagawin ‘to nagmamakaawa ako sa ‘yo, isipin mo na may kapatid ka pang babae at may nanay ka pa, isipin mo sila, wag mong gagawin ‘to sa akin.”
“Talaga? Pero sorry wala akong kapatid na babae o kaya nanay, at saka natutuwa ako sa mga nagmamakaawang katulad mo, lalo akong nabubuhayan,” dahan-dahan pumatong ang binata sa kama ng dalaga kaya lalong nag-iiyak ang dalaga na itutuloy ng binata ang balak nito, hinubad nito ang jacket niyang itim at ngumiti sa dalaga na animoy wala siyang gagawing masama.
“Madali lang naman ‘tong gagawin natin, pagkatapos n’un magpapaalam na ako, alam ko naman na magugustuhan mo rin ‘to,” saka niya isa-isa hinubad ng binata ang kanyang damit.
Sigaw pa rin ng sigaw ang dalaga hanggang sa patulugin ng binata itong muli sa pamamagitan suntok sa sikmura.