Chapter 27 Hapon na ng maisipan ni Agatha na kausapin si Alex dahil inisip na muna niya ang maari niyang gawin para iligtas ang bata, alam niyang buhay pa ang pangatlong batang kinuha ni Mang Jack at doon ‘yon mismo sa bahay na nakita nila sa gubat tinago. Sa mga oras na ‘yon naghahanda si Mang Jack sa pagtitinda niya ng ihawan nito. Umakyat siya sa taas kong na saan ang silid ng binata, busy ang lahat at may kanya-kanyang gawain, walang makakapansin kong anong gagawin niya, ayaw niyang maalarma ang lahat dahil baka mag-iba ang kilos ni Mang Jack at patayin ang bata. Kumatok siya ng ilang beses bago siya pagbuksan ng pintuan ng binata, napangiti naman ito sa kanya, hindi na siya naghintay na papasukin siya sa loob at sinara niya ang pintuan ng makapasok siya.