Kinjie's P O V Nakatayo parin ako sa labas ng emergency room kung nasaan ngayon si alex, mag-iisang oras na mula noong dinala ko siya rito ngunit wala paring resulta galing sa mga doktor. Gusto kong malaman ang kalagayan niya, gusto kong malaman kung okay lang ba ang taong mahal ko, kung maayos ba o hindi ang lagay niya. Habang nakaupo sa upuan sa gilid ng emergency room, bigla nalang akong napatayo nang biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang doktor. "Dok? Kumusta na po ang pasyente?" Tanong ko. Hindi ko maiwasang mataranta at kabahan na baka'y malala ang lagay ni alex. "The patient is unstable. Nagka commatose siya dahilan ng pagkatama ng ulo niya. May sugat din siya sa hita. Bone fructure, malala ang kondisyon niya" Sagot ng doktor. Hindi ko naiwasang matulala