Alexandra's P O V Nagising akong nakahiga sa braso ni kin. Mahimbing ang tulog nito. At halatang pagod ito dahil kagabi. Nauna nalang ako sa paggising at kinuha ang mga suot ko sapagkat tanging underwear lang ang suot ko ngayon. Dahan dahan ko itong sinuot at kinuha ang bag ko. "Hanggang sa huling pagkikita natin kin. Magpakabait ka. Mahal kita" bulong ko kay kin na mahimbing parin ang tulog tsaka hinalikan ko ito sa pisnge. Halos hindi ko na mahakbang ang bawat hagdanan dito sa building. Kung pwede lang sana na manatili nalang ako sa tabi ni kin. Na manatiling nakahiga sa braso niya at sabay na gumising sa umaga. Ngunit hindi pwede. I have to do this. For his safety. Mga ilang patak din ng likido ang umagos galing sa aking mga mata habang humahakbang papalayo sa c