Alexandra's P O V "Alex? Will you marry me?" Isang malaking boses ang umaaligid sa aking tenga ngayon, hindi ko mawari kung saan ito nanggaling, Maitim at wala ni kahit isa ang nakapaligid sa'king kinatitirikan. Hindi ko alam kung bakit ako napadpad sa lugar na ito. Isang lugar na ako lamang ang tanging nandito, isang lugar na wala ni isang liwanag ang umaliwalas sa aking mga mata. Malamig at nakakakilabot ang bugso ng hangin. Nagpatuloy parin ang isang pamilyar na boses labas pasok sa aking tenga. Hindi ko alam kung kaninong boses nanggaling iyon, pero isa lamang ang alam kong pamilyar na tao, Si Wierd Guy. Si Kinjie Garcia Hindi ko mawari kung bakit niya iyon sinasabi sa'kin, kung siya man ang taong ito. Siguro ay nag iilusyon lang ako. Bi