Alexandra's P O V Nagising nalang ako nang maramdaman ang sikip sa aking katawan. Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko si kin na ngayo'y nakaupo sa upuan sa harap ko. "Kin?" Tawag ko kay kin. Nakayuko lang ito at hindi sumagot sa tawag ko. "Kinjie?" Paulit kong bulong pero hindi parin ito sumagot. Pinasyal ko nalang ang aking mga mata sa buong silid ng kwartong kinaroroonan namin ni kin. Madilim ang paligid. "Tulong!" Sigaw ko. Wala ni isang tao ang sumagot sa sigaw ko. Bigla nalang akong napatingin sa pintuan nang bigla itong bumukas at ang liwanag ay agad na lumibot sa buong kwarto. "Tina?" Tugon ko. Laking gulat ko nang makita si tina na ngayo'y unti unting lumapit sakin. "Hello alex? Nice meeting you again" wika niya. Hindi siya ang tina na