Chapter 4

1029 Words
Kinjie's P O V   "Bro!"   Napalingon nalang ako sa likuran ko nang may biglang kumalabit sa aking balikat   "Hey! Jack ikaw pala!" sabi ko kay jack.   "Narito ka lang pala sa tambayan natin! Alam mo bro? Panay hanap sayo si tina, bigla ka nalang nawala sa table, anyari sayo bro?"   Tumingin nalang ulit ako sa view nang dagat, tsaka binato ko ito ng malakas na malakas,   Hindi ko parin lubos maisip ang lahat, hindi ko parin lubos maisip na ganoon nalang yun, basta basta nalang niya ako kakalimutan   Napunta lang siya sa Canada? Tas ganon ganon nalang? Basta basta nalang niya akong kakalimutan?   Aba! Hindi pwede to!   "Is it all about Alexandra?" Tanong pa sa'kin ni jack   Hindi nalang ako sumagot   Tumingin nalang ako sa napakalayong horizon ng dagat, buti pa dito, nakakalimutan ko ang lahat, masarap ang simoy ng hangin   "Well, look bro, akala ko ba'y tuluyan mo na siyang nakalimutan?" Nakuha ang atensiyon ko nang sabihin iyon ni jack   Hindi nila alam, wala silang alam   Dati, pinaniwala ko sila na nakalimutan ko na siya, pinakita ko sa kanila na kaya ko ang sarili ko nang wala si alex sa aking tabi, pero mali ako   Hindi ko akalaing pati ang puso ko'y naloko ko narin   Nabuhay ang puso ko sa kasinungalingan, minahal ko si tina nang si alex parin ang nasa aking puso,   "Ewan ko bro, pero mukhang nanumbalik ata ang lahat eh! lalo na't yung nakita ko siya kanina? " Pagpapaliwanag ko kay jack   Napa kunot noo nalang ito   "Pero paano na yan? Ano na? Basta basta mo nalang iwan si tina? Basta basta mo nalang ipagpalit siya sa first love mo? " Matigas na tinig ang narinig ko galing kay jack   Iwan ko kung nararapat ko bang ipagpalit si tina, siya ang naging dahilan kung bakit ako naging masaya sa panahong wala si alex sa aking tabi   "Pero ang pinagtataka ko lang bro, hindi na ako naaalala ni alex e! Kanina doon sa comfort, nagkausap kami, pero wala talaga eh! " Malungkot kong tugon   "Ano?" Gulat niyang tugon   "Kaya pala"   "Kaya pala ano?" Tanong ko   "Kaya pala iba ang kinikilos niya kanina habang pinakilala siya sa'tin ni tina" tugon nito   "ano na plano mo ngayon ?" Tanong ni jack saakin   "Ewan ko" Naghihinayang kong sagot   "Pero may naisip na akong paraan" Pagpapatuloy ko pa, tsaka ako tumayo sa kinauupuan ko   "Ano?"   "Basta!"   Iniwan ko nalang siyang nakatayo doon sa park,   "Hoy! saan ka pupunta? Hinahanap ka nina tina!" Sigaw pa sa'kin ni jack   Nagpatuloy parin ako sa paglalakad,   Pumasok nalang ako sa kotse tsaka humaharorot,   Siguro, ito na ang tamang panahon para kausapin ang mama ni alex, kailangan kong alamin ang lahat, alam kong marami akong hindi alam sa panahon na wala siya sa aking tabi.   Tinignan ko muna kung anong oras na ba,   10:31   Siguro naman naka-uwi na sila sa oras na ito,   Lumiko nalang ako sa iskinita kung saan ko matatagpuan ang village nina alex   Pagkarating ko sa tapat nang bahay nila, sumalubong agad sa'kin ang gwardya   "Manong? Nandito na po ba sina Alex? At ang mama niya?" Tanong ko pa sa gwardya   "Bakit? Anong kailangan mo sa kanila?" nagtatakang natong neto   Ang sungit ng bago nilang gwardiya! Kung sana hindi nalang nila pinalitan ang dati nilang gwardiya noon? Edi sana hindi ganito kasungit, sa bagay hindi pa naman niya ako kilala, yung unang gwardiya kasi nila, kilalang kilala ako non   "Gusto ko lang pong makausap ang mama ni alex" Mahinahon kong tugon   "Teka lang ah!" Tsaka niya sinirado ang gate at naiwan akong nakatayo dito sa labas   Ano ba naman yan!   Maya maya, biglang bumukas yung gate, kaya agad naman akong humarap dito   Sumalubong agad saakin ang mukha ni tita, isang kakaibang tingin ang nakikita ko sa mga mata niya   "Ti tita? Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko sa mama ni alex   "Don't call me tita" Masunget niyang sagot   Okay fine   Nakakalungkot isipin na kailangan pang magbago ang lahat, na kailangan pang kalimutan ang lahat naming pinagsasamahan namin noon   "tungkol saan yan?" tanong niya sa'kin   "Tungkol po kay alex?"   nakikita ko sakanya ang pagkalito,   "bakit? May dapat ba tayong pag-usapan tungkol sa anak ko?" Sarkastikang sabi niya sakin   Oo nga? Balit kailangan pang pagusapan ang tugkol saamin ni alex? Ni mula noong naaksidente kami, pinutol na niya ang lahat nang tugkol sa amin   bigla nalang akong napaharang sa gate nang akmang isasara na niya ito   "Ano ba kin! Huwag ka ngang makulit!" Sigaw niya   "Pero po! Importante po ito, hindi po ito tungkol sa amin ni alex, ito po ay tungkol sa kanya, ito po ay tungkol sa kanya kung bakit niya ako hindi maalala" Pagpapaliwanag ko sa kanya   "Pasok ka sa loob"   Sumunod nalang ako sa mama ni alex, namis ko rin itong bahay, matagal tagal narin mula noong nakapunta ako rito, at iyon ay ang weeding plan namin ni alex dati,   Pero nakakalungkot isiping hindi iyon natuloy, napawi lahat nang iyon   dumiretso na kami sa sala,   "ya, pakitumpla nang juice" Utos niya sa katulong   "Simulan muna, bago pa makarating si alex dito sa bahay, ayaw kong maabutan ka niya dito" Sabi niya   "Gusto ko pong malaman kung bakit hindi na ako maalala ni alex, nagkausap po kami earlier, pero wala siyang maalala tungkol sakin, ano po ba ang totoong nangyari pagkatapos 'nong pagkaaksidente namin ni alex noon?" Mahaba kong tanong   "Gusto mo ba talagang malalaman amg lahat?" sumbat niya   Mula noong mismong pagkaaksidente namin ni alex, wala na akong nabalitaan sa kanya galing sa Canada, basta ang alam ko lang ay doon na sila maninirahan at magpapagaling,    At doon narin nagtatapos ang pagitan naming dalawa, walang kasal ang nagaganap,   Patuloy parin ako sa pagaabang nang mga salita galing sa kaniyang mga labi,   "Mula noong naaksidente kayo, kaya ko siya dinala sa Canada, at doon magpagamot ay dahil alam kong kapag dito ko siya ipinagamot sa philipinas ay mahihirapan siyang gumaling" malungkot niyang tugon   Ano ang ibig niyang sabihin?   "Medyo mahirap at malala ang lagay niya sa panahong iyon, pagkarating namin sa Canada, agad ko siyang pinagamot doon, at sa awa nang diyos, agad naman siyang naagapan, pero may kapalit" Pagpapatuloy niya   Ano ba ang tinutukoy niyang kapalit?   - - -   KinDra    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD