My Guardian Devil Season 2 AiTenshi Part 36: Ang Pagbabalik sa Siyudad "Maraming salamat sa magandang adventure, nag-enjoy kaming lahat," ang pag papaalam namin kina Ibarra, Leo, Kaprecious at Chani. "Kapag may pagkakataon ay kayo naman ang lumibot sa siyudad," ang wika ni Yul habang nakangiti ng matamis. "Sure, hindi naging perfect ang vacation natin pero naging memorable naman ito. No need to say goodbye, hindi naman ito ang huling beses na magkikita kita tayo. Bagkus ito ang simula ng ating makabuluhang pagkakaibigan, mag ingat kayo Mr. and Mr. Flandrez," masayang wika ni Leo. "Hay, ang bilis lumipas ng one week, mamimiss ko yung palakasan na ungol niyong lahat kapag nag eeut kayo sa gabi," ang hirit ni Santi. Tawanan kami.. "Paano, mauuna kami. Ang mahabang paglalakbay ay maga