My Guardian Devil Season 2 AiTenshi Part 27: Hell Society "Kung ganoon ay paniguradong hahabulin nila sa akin itong Bestial dito sa katawan ko at gagamitin nila ito para gumawa ng bagong Hell Society dito sa lupain ng mga mortal. Diba iyon lang naman ang punto?" ang tanong ko noong mga sandaling imulat nila boss Lu at Santi ang kanilang mata. Halos 2 araw din silang tulog, diretso at walang humpay. "Frend pwede chillax ka lang? Pwede mag stretching muna ako?" tanong ni Santi sabay unat sa kanyang paa at mga braso. "Exactly Devon, wala na ang Hell Society kaya hahapin nila ang Bestial na iyan para gumawa ng bagong mundo na kailangan pag haharian. Iyon lang ang punto, kailangan di nila ito makuha," ang sagot ni Boss Lu. "Ano naman ang laban natin kila Rank 1, 2 at iba pa?" tanong ko n