My Guardian Devil Season 3 AiTenshi Part 44: Ang Ala-ala ni Santi "Iyon ang mga alaalang pilit kong nililimot pero hindi ko magawa, para itong isang masamang panaginip na bumabalik sa akin. Masayahin ako pero kapag naalala ko ito ay hindi ko maiwasang mapaluha nalang," ang wika ni Santi habang nakatalungko sa sofa at yakap ang kanyang sarili. Dito ay binalikan niya ang kwento ng kanyang buhay bago pa mag simula ang lahat. FLASHBACK Taong 1990, galing ako sa isang squatter na nakatanggap ng oportunidad na makapag-aral sa isang pribadong paaralan. Sino ba naman ang tatanggi sa biyaya iyon? Wala diba? Gusto ko ng magandang buhay, gusto kong mangarap, gusto kong makaalis sa impiyernong lugar ng isang squatter area? At higit sa lahat ay gusto kong makatakas sa aking kuya at sa akin ama n