My Guardian Devil Season 2 AiTenshi Part 38: Sa bingit ng panganib "Kumusta si Yul? Ano bang nangyari?" tanong ni Boss Lu noong makapasok ito sa loob ng silid kung saan naka-confine si Yul. "Hindi ko alam mo, ang sabi ng mga doktor ay nawalan lang daw ito ng malay dahil sa sobrang pagod. Pero babalik din ang kanyang ulirat kapag nakabawi siya ng lakas. Ang payo ng doktor dumito muna kami ng 24 oras para mas maobserbahan nila si Yul ng mas maayos," ang sagot ko na hindi maitago ang pag-aalala. "Tingnan Devon, palakas ng palakas ang liwanag sa katawan niya, ngayon ko lang nakita na ganito," ang bulong ni Boss. "Yeah, that's true at hindi na ako makalapit kasi ay napapaso na ako, anong klaseng nilalang itong si papa Yul bakit ganito? Oo nga sige given nang siya ay isang anghel pero gani