THREE MONTHS LATER Pumailanlang ang napakatinis ngunit malakas na palahaw ng aking sanggol sa buong delivery room. Kakaibang saya at sarap sa dibdib ang naramdaman ko habang naririnig ko siya kahit mahapdi ang ibabang bahagi ko at lupaypay ang katawan ko sa sobrang pagod. "You made it, baby. You're geat," emosyonal na sambit ni Andrei habang hinahalikan niya ang buo kong mukha. Kasalukuyan siyang nakap'westo sa ulunan ko at katatapos ko lang ilabas ang panganay naming anak. Habol ko pa rin ang aking paghinga dahil sa pagod sa ilang oras kong pagli-labor at pag-iri. Ngunit walang kapantay naman ang kaligayahan kong nadarama ngayong successful ang panganganak ko at nakaya ko ang normal delivery. "A healthy baby girl!" ani Doktora bago niya inilapag sa dibdib ko si baby. Pumatak ang mga