Shantal Mia "Are you okay? Kaya mo ba?" tanong ni Andrei matapos niyang ihinto ang kotseng sinasakyan namin sa tapat ng bahay nila Papa. Nagtataka lang ako kung paano niya nalaman ang lugar na ito gayong hindi ko naman nagawang ituro ito sa kanya kanina. Dahil habang nasa biyahe kami ay kumakabog ng husto ang dibdib ko sa magkahalong kaba at pananabik dahil magkikita na ulit kami ni Papa. "Drink some water first." Iniabot niya sa akin ang isang bote ng tubig na kaagad ko rin namang tinanggap at ininom. Hinawakan niya ang tiyan ko at hinalik-halikan. Bigla namang sumipa ang baby namin sa loob ng tiyan ko. "Whoa! She already knows her Dad," bulalas ni Andrei na tuwang-tuwa at muling inulit ang paghalik-halik niya sa tiyan ko. Tinakpan ko na ang bote ng tubig nang maging okay na ako.