Shantal Mia "Mia." Napabilis bigla ang paglalakad ni Andrei palapit sa akin. Ilang ulit naman akong napalunok habang palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Nababanaag ko ang awa at pag-aalala sa mga mata ni Kisma habang nakatitig sa akin. "Ahm, a-anong pinagtatalunan niyo?" tanong ko sa kanilang dalawa. Si Andrei ay tuluyan nang nakalapit sa akin at kaagad hinawakan ang braso ko. "Don't mind it. C'mon." Kaagad niya akong hinila palabas ng pinto. "Mia." Napalingon naman akong muli kay Kisma at tila binibigyan ako ng babala. Matapang ko ring sinalubong ang kanyang mga mata. "Malaki na ako, Kisma. Matanda na ako at alam ko na ang ginagawa ko. Siguro naman ay hindi lang ikaw ang p'wedeng sumaya." "P-Pero--" Kaagad ko na siyang tinalikuran at nagpatiuna nang lumabas ng pinto.