Utang

1552 Words
"Cardinggg! Cardinggg! Bakit mo ako iniwan!" Palahaw na iyak ng jowa ni Tatay sa tabi ko. Aba! At dinaig pa ako sa pag iyak pang ate V ang galawan. Gusto ko pang matawa sa suot nito, mula ulo hanggang paa, itim ang kulay ng kasuotan n'ya. May suot din s'ya sa ulo na belong itim. Uso pa ba ito? Tanong ko pa sa isip. Napatingin pa ako ng muli syang magsalita at umiyak ng malakas. "Cardingggg! Sa galing mong gumiling, sa gabi o umaga, sa ilalim o sa ibabaw. Hindi ko na mararanasan pa! Bakit iniwan mo agad ako? Paano na ang gabing malamig na wala ka sa feeling ko!" Tangis n'ya pa muntik pa akong, masuka sa mga sinabi n'ya, kaya naman kaagad kong tinakpan, ang tenga ni Hale. Dahil puro kahalayan, ang sinasabi ng matandang huklaban na ito. Nagtawanan tuloy ang iba pang mga nakikilibing. "Cardinggg! Cardingggg! Isama mo na akooo! Hindi ko kayaaa!" Muli nyang sigaw. Kaya hindi na ako nakatiis pinatigil ko ang pagbababa sa kabaong ni Tatay. Narinig ko pa ang bulungan ng mga tao sa likuran ko. "Kuya, wait lang!" Pigil ko pa sa kanila. Nagtataka naman akong tinignan ng mga tao sa paligid. Tumigil sa pagpalahaw si Levy at hinarap ako. "Bakit mo, ipatigil?" Tanong pa nya sa akin. Hindi ako sumagot bagkus nginisian ko lang s'ya. "Diba, gusto mong sumama? Oh! Sige sumabay ka na!" Saka ko s'ya tinulak sa hukay dahil sa totoo lang, punong- puno na rin ako sa haliparot na to. Dahil sa kanya natutong magsugal si Tatay bagamat hindi naman kami napabayaan ni Tatay, kumakain pa rin naman kami kahit paano. Pero hindi tulad nang wala pa s'ya sa buhay namin. Nagkagulo pa ang mga tao dahil sa ginawa kong pagtulak sa talipandas na babae na 'yon. "Walanghiya ka! Helenaaaaa!" Sigaw pa ni Levy sa akin. "Kuya, tabunan n'yo yan," utos ko pa sa dalawang lalaki. "Tay, bakit mo naman kami iniwan, sabi ko naman sa'yo diba, wag na wag mong kakalimutan huminga, anong ginawa mo? Bakit masyado kang advance, inip ka? May lakad kayo ni San Pedro? Naingit ka,kay Nanay?" Nakasimangot ko pang reklamo sa puntod ni Tatay. Paano na kami? Napabuntong hininga pa ako, sa isipin na ulilang lubos na kami ni Hale kaming dalawa na lang sa buhay. Walong taon gulang pa lang s'ya hindi pa n'ya matagal nakakasama ang mga magulang namin binawi na agad ni Bro. Apat na taon pa lang ang lumipas nang mawala si Nanay sa amin. Ngayon naman si Tatay, sa parehong sakit namatay sina Nanay at Tatay, nakalimutan nilang huminga. Kami na lang ang naiwan dito nag uwian na ang mga nakilibing kanina. Hindi ko alam, kung paano na kami ngayon. "Ate, bakit po tayo, iniwan ni Nanay at Tatay? Malayo po ang heaven? Pwede ba tayong pumunta doon?" Inosenteng tanong pa n'ya sa akin. Aba! Lokong bata 'to! Hindi pa ako nakakatikim ng heaven papatayin na agad! "Hale, wala kasing kasama si Nanay, kaya sumunod na rin si Tatay," wala pa sa loob na sagot ko. At mukha naman naniniwala s'ya, sa sinabi ko. "Tara na!" Hawak kamay pa kaming naglakad palabas ng sementeryo. "Helenaaaaaaa! Lumabas ka dyan!" Malakas na sigaw ng matandang babae sa labas. Sa boses pa lang kilala ko, na kung sino. Kaya naman napabalikwas ako ng bangon. "Ate! Ate!" Tawag ni Hale sa akin. "Wag kang, maingay Hale, para isipin ni Corazon walang tao dito," tumango naman s'ya sa akin. "Helenaaaaa! Alam ko nasa loob ka! Lumabas ka dyan!" Muli na naman nyang sigaw. Wala akong choice kundi lumabas ng bahay. Tay, naman! Bakit sa walang apdo at balunbalonan ka pa umutang!" Naiinis ko pang sambit sa hangin. "Hale, dito ka lang, wag kang lalabas. Baka lagnatin ka pag nakita mo, si Corazon," bilin ko pa sa kanya. Galit na galit na mukha ni Corazon ang bumungad sa akin pagbukas ko ng pinto. Sa sama yata ng loob ito pinaglihi parang walang pagmamahalan ang magulang n'ya habang ginagawa s'ya. As usual kasama na naman nito ang batang bata nyang jowa. Hindi ko alam kung paano n'ya nasisikmura kasama ang matandang si Corazon. Siguro dahil sa mapera ito. Naiisip ko pa lang na kinakain nito si Corazon, nasusuka na ako! Yuck! "Good morning! Corazon, ang fresh mo today! Prayer reveal naman ang kinis mo huh! Anong skin care mo?" Manghang tanong ko pa sa kanya. Kahit totoo kabaliktaran lahat ng sinasabi ko. "Di nga Helena? Napansin mo ba agad? Ano ka ba, tubig lang ang gamit ko," kinikilig pa nyang sabi sabay haplos sa pisngi n'ya. Tubig kanal siguro, mahinang sambit ko pa. "Ano 'yon Helena?" Tanong n'ya sa akin. "Sabi ko, kaya pala ang ganda ng balat mo, glassdoor este glassskin pala" Labas sa ilong ko pang puri sa kanya. Kilig na kilig naman ang bruha pasimple pang yumakap sa jowa n'ya. Gustong bumaliktad ng sikmura ko, ng maghalikan pa sila sa harapan ko! Ewww! "Teka nga! Nawawala tayo sa usapan. Kailan mo babayaran ang utang ng Tatay mo? Aba! Helena ang laki ng utang ng Tatay mo!" Singal pa n'ya sa akin. "Magbabayad naman ako, wait lang." "Hindi ko na mahintay! Ang tagal na, puro ka pangako!" "Edi, sa kanya mo singilin!" Inis ko pang sagot. Nanlaki naman ang mga mata ni Corazon dahil sa sinabi ko sa kanya. "May pinirmahan ang Tatay mo, pag hindi ka pa nakabayad sa loob ng isang buwan, lumayas na kayong magkapatid sa bahay n'yo! Mga dukha!" Sigaw n'ya pa sa mukha ko para naman akong mahihimatay sa baho ng bibig n'ya. "Corazon, ang dami mong pera diba?" Tanong ko pa sa kanya habang pinapaypayan ko ang mukha ko. "Oo! Bakit?" Tanong n'ya. "Bumili ka ng bagong bituka! Hindi ko kaya ang amoy ng bibig mo!" Sigaw ko rin sa mukha n'ya. Namula naman ito sa sobrang hiya. "Ang mura ng toothbrush at toothpaste, hindi ka makabili!" "Magbayad ka ng utang n'yo! Babalikan kita, dapat hawak mo na ang kalahating milyon!" Galit na galit na sigaw n'ya saka tumalikod na at naglakad palayo. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko, ang pagtitig sa katawan ko ng jowa nyang palamonin. Nang makaalis ang mga ito pumasok na ako, sa kusina ako nagtuloy kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig. Dahil tubig lang naman ang meron kami. Naupo ako sa plastic na upuan. Mahalaga ang bahay na ito para sa akin. Ito na lang ang nag iisang alaala ni Nanay. Saan kaya ako, kukuha ng pera? Tay, sumalangit nawa ang kaluluwa mo. Pero bakit naman ang dami mong, pwedeng ipamana sa akin, utang pa talaga? Napakamot pa ako sa ulo, kahit yata gumiling pa ako sa bar na pagmamay-ari ni Aling Joyce ang dakilang pokpok sa lugar namin. Hindi ako makakahanap ng kalahating milyon. "Ate... nagugutom na po ako," daing pa ni Hale ng makalapit s'ya sa akin. Nakaramdam naman ako ng habag sa kapatid ko. "Hale, wala pa tayong pagkain. Pero dito ka muna ha, uutang lang muna si Ate," nakangiti ko pang paalam sa kanya. Kahit alam kong, walang kasiguraduhan kung makakautang nga ako. Lumabas ako ng bahay na baon ang kapal ng mukha, Bahala na nga naglakad na ako papunta sa tindahan ni Sabeng ang human CCTV sa barangay namin. In other words tsismosa. "Naku Helena! Uutang ka na naman! Hindi ka pa nga nakabayad!" Nakunot noo pang sabi n'ya sa akin. "Aling Sabeng, magbabayad po ako. Malapit na po, promise." Itinaas ko pa ang kanan kong kamay. "Pasensya na, wala na akong ipapautang! Inubos n'yo ng magkapatid. Alis na!" Taboy n'ya pa sa akin. Wala akong nagawa kundi umalis at maglakad palayo. Saan kaya ako pwedeng umutang? Maya-maya pa may sumigaw sa likuran ko. "Baklaaaaa! Sigaw ng boses tarugo kong kaibigan. "Saan ang gora mo?" Tanong pa n'ya. "Jordan, may pera ka ba dyan?" Lakas loob ko pang tanong sa kanya. Napalis naman ang ngiti nito sa labi. "Baklang Helena! Jona hindi Jordan! Hiyang hiya ang pulang pula kong lipstick sa'yo! Kaloka ka!" Reklamo n'ya pa sa akin. "Hoy! Jordan! Wag mo akong ma Jona, Jona dyan. Tumingin ka, sa salamin nang makita mo, ang bayag mong lalawit lawit!" "Bruka ka talaga! Palibhasa tigang ka!" Buska pa n'ya sa akin na sinabayan pa n'ya ng halakhak. "Jordan, pautang naman. Wala pa kasi akong raket ngayon. Nagrereklamo na ang inaanak mo, gutom na daw," Matalik kong kaibigan si Jordan bata pa lang kami, alam ko na na liko ang tarugo n'ya. Nakita ko naman na dumukot ito sa harap ng tarugo n'ya. "Oh bakla! Yan lang ang pera ko ngayon, tinago ko pa 'yan." Sabay abot sa akin ng isang daan piso. "Punyemas naman! Jordan! Amoy bayag mo pa 'yan," nandidiri ko pang kinuha sa kamay n'ya 'yon. "Bakla, alam mo naman uso ang holdapan dito sa atin, iba na ang maingat." paliwanag n'ya pa. "Sige, na bumili ka na. Baka Tom Jones, na ang inaanak ko," taboy n'ya pa sa akin. "Hoy baklang Helena! May raket nga pala mamayang gabi. Baka gusto mo?" "Jordan, marangal na raket ba 'yan?" Kunot noo ko pang tanong. "Oo naman! Basta galingan mo lang magdasal, safe tayo," sagot n'ya pa. "Sige! Basta siguraduhin mong maayos 'yan! Lagot ka talaga sa akin! Ititirintas ko 'yang bolbol mo!" Hahang naglalakad ako, pauwi iniisip ko pa, anong raket kaya 'yon? Bahala na mamayang gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD