~(GWEN DELA FUENTE POV) "I heard you and Ms. Gonzales had a fight," ani dad at sumimsim ng tsaa sa hawak niyang baso. I crossed my arms above my chest and sighed. Hanggang ngayon ay kumukulo pa rin ang dugo ko sa babaeng iyon. I knew she was spying her. Halata naman sa kanya. Noon pa siya sunod nang sunod kay Ayen. "I don't like that woman," malamig na bigkas ko. "Hmm, bakit naman? Mukhang mabait naman siya. She's our friend's daughter. Bata pa lang magkakilala na kayo hanggang ngayon hindi pa rin kayo magkasundo?" "Paano ko naman siyang makakasundo? She's a bully, dad. Masyadong maraming sinasabi, she keeps talking around me. Isa pa, she hates me so much." "May nagawa ka ba sa kanya?" "Of course wala, dad. She's just being childish. I don't like her dahil masyado siyang pakialamera

